Connect with us

Entertainment

James Yap, May Sweet at Nakakaantig na Mensahe sa Pagdiriwang ng Ika-14th Birthday ng Anak nila ni Kris Aquino na si Bimby

Kilalang-kilala ng publiko ang tinaguriang “Queen of All Media” na si Kris Aquino sa kanyang tinahak na larangan sa industriya ng showbiz. Ipinamalas nga ni Kris ang kanyang husay sa pag-arte mapa-pelikula man o teleserye. Isa ring mahusay na host ng talk show at game show. Maliban rito, ay sinusubaybayan rin ng marami ang buhay niya sa social media.

Pagdating naman sa kanyang buhay pag-ibig, ay dalawang beses na umibig si Kris. Ngunit, sa kasamaang palad ay parehong nauwi sa pagkabigo at pagkasawi ng kanyang puso. Una nga ay pagkabigo ng kanyang puso sa aktor na si Philip Salvador kung saan ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang lalaking anak, si Joshua.

Photo credits: google.com

Pinakasalan naman ni Kris ang PBA player na si James Yap noong 2005 sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony. Hindi naman nagtagal ay nauwi ang kanilang relasyon na hiwalayan na opisyal na naideklarang null and void noong 2012. Nagbunga naman ang kanilang pag-iibigan ng isang batang lalaki, siya naman si James Carlos “Bimby” Aquino Yap na isinilang ni Kris noong Abril 2007.

Photo credits: google.com

Nagkahiwalay man sina James at Kris, ay nanatili naman ang pagiging isang ama ni James kay Bimby na talagang ipinapakita kung gaano nito kamahal ang anak. At kamakailan lamang nga nitong Abril 19, kung saan masayang nagdiwang ng kanyang ika-14th birthday si Bimby, ay nagpaabot ng nakakaantig na mensahe si James bilang pagbati sa kaarawan ng anak.

Photo credits: google.com

Idinaan ni James sa isang Instagram post ang kanyang sweet message para kay Bimby kung saan ibinahagi niya ang throwback photo nilang mag-ama.

“HAPPY 14th Birthday Bimb. I love you no matter what!Wishing you all the best that life can offer. God bless you.”pagbati ni James.

Mababakas naman sa mensahe ng sikat na basketbolista, na bilang isang ama, ay talagang mahal na mahal niya ang kanyang anak na ang tanging hangad ay ang makakabuti rito. Makikita naman na may magandang relasyon nina James at Bimby bilang mag-ama.

Photo credits: google.com

Samantala, bilang isang ina naman na mag-isang nagbibigay gabay sa kanyang mga anak, ay talagang ginagawa ni Kris ang lahat ng kanyang makakaya upang maprotektahan ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby na kadalasang nabu-bully sa social media. Dahil dito, ay nilimitahan na nga ni Kris ang appearance ng kanyang mga anak sa social media.

“I’m taking full responsibility. I can never shield them fully because from the time they were born, I was already Kris. But I can choose what to show you.”

“They will have enough privacy. You won’t get to see them as often as you used to.”

error: Content is protected !!