Connect with us

Entertainment

Jake Cuenca, Ipinasilip ang Napakagandang Condo Unit na Love Nest nila ng kanyang Girlfriend na si Kylie Verzosa

Published

on

Sino nga ba ang hindi hahanga sa gwapong mukha at taglay na kakisigan ng aktor na si Jake Cuenca? Nasa katangian na nga ng aktor ang pinapangarap ng mga kababaihan. Kaya naman, hindi nakakapagtaka na isa siya sa mga itinuturing na Heartthrob sa industriya ng showbiz.

Maliban naman sa angking katangian ng aktor, kahanga-hanga rin ang kanyang taglay na talento sa pag-arte kung saan ay maraming puso ng mga manonood ang naantig. Sa tuwing mapapanood ang aktor ay talaga nga namang madarama ang damdaming nais ipabatid ng eksena. Kaya naman, dahil sa kahanga-hangang talentong ipinamalas ng aktor, bumuhos ang kanyang mga proyekto, mapa-pelikula man o teleserye.




Pagdating naman sa kanyang buhay pag-ibig, matatandaan na ang aktres na si Roxanne Guinoo ang kanyang unang inibig at nagbigay kulay sa buhay niya. Nasaksihan ng publiko ang kanilang matamis na pagmamahalan, ngunit ang tamis ng kanilang pagmamahalan ay hindi naman nagtagal at nauwi ito sa hiwalayan.

At ngayon nga, ay masaya na sa buhay si Roxanne kasama ang kanyang asawa at mga anak, samantalang makulay naman ang buhay pag-ibig ngayon ni Jake sa piling ng kanyang girlfriend na si Kylie Verzosa, na isang beauty queen actress.

Nabigo man sa unang pag-ibig ay muli namang natagpuan ni Jake ang tunay na pag-ibig sa katauhan ng aktres na si Kylie Verzosa. Sina Jake at Kylie nga ay masayang nagsasama ngayon sa kanilang love nest na matatagpuan sa Mandaluyong. Ang nasabing love nest ng dalawa ay isang napakagandang condo unit na may masculine na disenyo.

Kamakailan nga, ay nakunan ng larawan ang napakagandang condo ni Jake. Sa mga nasabing larawan, makikita na napakaganda ng disenyo at dekorasyon nito na kung saan ay mababakas na ito nga ay pagmamay-ari ng isang tunay na lalaki.

Kahanga-hanga rin ang interior design nito na kung saan personal na dinisenyo ng R.A. Leveriza & Associates na pagmamay-ari ng kanyang Lolo. Kaya naman talagang nakakasigurado ang aktor na maganda ang kalalabasang disenyo ng kanyang condo na tila ito’y isang perpektong tirahan.







Bukod sa magandang disenyo, ay malawak rin ang espasyo nito, sa katunayan nga nito ang condo unit niyang ito ay naglalaman ng dalawang bedrooms at may sarili pang walk-in closet.

Tiyak na mag-ienjoy nga sina Jake at Kylie sa napakaganda nilang love nest.

error: Content is protected !!