Connect with us

Entertainment

Jake Cuenca, Inamin ang Dahilan kung Bakit Hindi pa rin Pinapatanggal ang Couple Tattoo nila ng Ex-Girlfriend na si Roxanne Guinoo

Published

on

Ang aktor na si Jake Cuenca ay isa sa mga hinahangaan ng mga kababaihan dahil sa kanyang gwapong mukha at makisig na pangangatawan. Isa rin siyang mahusay na artista sa industriya. At isa nga sa kaabang-abang na teleseryeng kanyang ginampanan ay ang “Precious Hearts Romance: Los Bastardos” na napapanood noon sa Kapamilya Gold time slot.




Hindi naman pinalampas ni Tito Boy ang pagkakataong makapanayam ang aktor sa programang TWBA noong Oktubre 12, 2019 kung saan sinagot ng aktor ang ilang katanungan patungkol sa kanyang teleserye nang isalang siya sa hot seat question and answer.

Masaya ngang ibinahagi ng aktor sa mga manonood ang mga dapat abangan at kapana-panabik na tagpo sa teleserye. Nagpasalamat rin ang aktor sa mga taong walang sawang sumusuporta at nagtitiwala sa kanya.

Samantala, nagbigay naman ng kaunting kasiyahan si Jake sa mga manonood sa pamamagitan ng isang challenge upang bigyan ng excitement na panoorin ang teleserye. Sa nasabing challenge nga ay magbibigay siya ng isa sa famous lines sa kanyang teleserye at sasabihin ito sa iba’t ibang paraan na iba-iba rin ang personal character.

Isa nga sa mga linyang napili niya sa character na Isagani sa Los Bastardos ay “Masasagot na ang lahat ng tanong sa pagkatao ko.” At sinimulan na nga niya ang pagsasabi ng linya sa iba’t ibang karakter kagaya ng isang serial killer, isang pre-school teacher na nakikipag-usap sa isang bata, at isang tao na nag pro-proposed sa kanyang kasintahan. Dahil sa ginawang ito ng aktor ay hindi napigilang humanga ng King of Talk sa kanyang talento at maging ang mga manonood ay humanga rin.

Bukod naman sa pagiging mahusay na artista sa industriya, kilala rin si Jake sa pagkakaroon ng maraming tattoo sa katawan. At nang madako nga ang katanungan patungkol sa kanyang tattoo, ipinahayag ng aktor na nagsisilbi itong souvenir, ngunit ang ilan naman sa mga ito ay sumisimbolo umano ng espesyal na kaganapan sa buhay niya.




Matatandaan na naging kasintahan ni Jake ang aktres na si Roxanne Guinoo. At inamin nga ni Jake sa harap ni Tito Boy at ng mga manonood na hanggang ngayon ay hindi pa niya pinapatanggal ang tattoo name ng kanyang ex-girlfriend. At ayon pa kay Jake, ay sabay pa silang nagpalagay nito at hindi nila ito ipapatanggal hanggang di pa sila kinakasal.

Ngunit, ang aktres na si Roxanne ay matagal nang kasal sa asawa niya at masaya nang namumuhay ngayon kasama ang kanilang mga anak. Kaya naman, tiyak na napatanggal na nito ang kanyang tattoo dahil kasal na siya sa iba.

error: Content is protected !!