Connect with us

Entertainment

Iya Villania, Proud Na Ipinakita Ang Kanyang Baby Bump Nang Magbakasyon Ang Kanilang Pamilya Sa Boracay

Ipinagmamalaking ipinakita ng aktres at TV host na si Iya Villania ang kanyang baby bump sa ika-apat nilang anak ng kanyang asawang si Drew Arellano. Matatandaan na unang isinapubliko ni Iya ang kanyang pagbubuntis sa kanyang vlog noong ika-3 ng Enero, bilang surpresa sa kanyang asawang si Drew.

Photo credits: Iya Villania | IG

Naging kaabang-abang ang pagbubunyag ni Iya ng kanyang pagbubuntis dahil nga nahirapan syang itago ito sa kadahilanang marami siyang nararamdaman tulad ng morning sickness. At nang ibunyag na nga ni Iya kay Drew na may ika-apat na silang anak, ay labis na kaligayahan naman ang kanilang nadama.

Photo credits: Iya Villania | IG

Pag-amin nga ni Iya,“Medyo nagsa-struggle na ako to keep it a secret because morning sickness this time around has not been good. Actually medyo all day sickness. That’s the hardest part. Things I used to like, hindi ko masyadong like. Even juices that I would look forward to drinking in the morning and night, hindi ko rin type.”

At kamakailan lamang nga, ay masaya namang ipinakita ni Iya sa kanyang mga tagahanga ang nakaumbok niyang baby bump. Sa latest post ni Iya sa Instagram, ay makikitang nagbakasyon sa Boracay ang kanilang pamilya kasama ang tatlong anak na sina Primo, Leon at Alana.

Photo credits: Iya Villania | IG

Masaya at talagang proud si Iya na ipakita ang kanyang lumalaking baby bump. Ang nasabing Instragram post naman ay nilakipan caption na:

“Finally got to wear my ilovekoiswim suit but failed to get a matchy matchy pic with the boys this mothering with matching outfits is hard ah!”

Sa comment section naman ng post ni Iya, ay makikita ang komento ng kanyang asawang si Drew na nagsabing:

“”I love you… But why didn’t I get the matching trunks?”

Ibinahagi rin ni Iya na nahirapan silang byumahe via plane dahil ito ang kauna-unahang beses na sumakay sila kasama ang tatlong anak. Walang katumbas na kasiyahan ang hatid ng bakasyon ng kanilang pamilya sa Boracay lalo na para sa kanilang mga anak.

Photo credits: Iya Villania | IG

“Struggled with the family pix as much as I struggled with getting the kids out of the swimming pool on our last day. But what a wonderful first trip to Bora for Team Arellano! First time to fly with three kids!”,ayon pa kay Iya.

Panibagong blessing na naman ang dumating sa pamilya Arellano na tiyak ngang magbibigay ng higit na kasiyahan sa buong pamilya. Hindi madali ang pagdadaan ng isang ina bago mailuwal mula sa sinapupunan ang kanyang anak. Ngunit, walang makakapuno sa pakiramdam ng mga magulang ang makita ang kanilang anak sa unang pagkakataon.

Photo credits: Iya Villania | IG

Matatandaan na ipinanganak ni Iya ang panganay na si Primo noong August 2016, at sunod na ipinanganak ang pangalawang anak na lalaki na si Leon noong buwan ng Agosto taong 2018. Noong July 2020 naman ay biniyayaan sila ng isang anak na babae, si Alana. At sa darating nga na June nitong taong kasalukuyan ay sasalubungin naman ng pamilya Arellano ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

error: Content is protected !!