Connect with us

Entertainment

Iya Villania, Masayang Inanunsiyo na Ipinagbubuntis Niya Ang Baby Number Four Nila Ng Kanyang Asawa Na Si Drew Arellano

Isang nakakatuwa at talaga namang napakagandang balita ang hatid ng GMA TV host na si Iya Villania sa publiko. Nito lamang ika-3 ng Enero nang ibunyag ni Iya na ang pangatlong anak niyang si Alana ay malapit nang maging isang ganap na ate.

Photo credits to the owner

Sa programang Mars Pa More nga inanunsiyo ni Iya na sila ng kanyang asawang si Drew Arellano ay may baby number four na sa kanyang sinapupunan. Ang magandang balita ay inanunsiyo ni Iya habang naglalalaro sa segment ng programa na “Tarantanong” kung saan nakasama niya ang co-hosts na si Camille Prats, Kim Atienza, at kanilang celebrity guests na Jen Rosendahl at Janna Dominguez.

Photo credits to the owner

Hindi na nga nakapagpigil pa si Iya na isapubliko ang panibagong biyayang ipinagkaloob sa kanila matapos magtanong si Camille kung ang bunsong anak nito na isang taong gulang na si Alana ay magiging ate na.

Photo credits to the owner

Diretsahan ngang sagot ni Iya,“Yes, mars! Magiging ate na si Alana. I’m so excited! Thanks, everybody! I’ve been really lucky to have it easy again. At least, nakakapag-work ako. I’m sure yung iba [staff] diyan, hindi siguro nila namalayan. Siyempre, hataw pa rin tayo sa ‘Mars Magaling,’ mars! Siyempre, palaban ito, e. So yes, we are expecting. Parating na siya. Coming soon in June!”

Sa kanyang pahayag nga ay hindi maitago ni Iya ang kanyang excitement sa pagdating ng kanilang baby number four ni Drew sa darating na buwan ng Hunyo. Malaki naman ang pasasalamat ni Iya dahil sa kabila ng kanyang pagbubuntis ngayon ay nagagawa niya paring makapagtrabaho.

Agad namang ipinaabot ni Kuya Kim na nagsisilbing ninong ng mag-asawang Iya at Drew ang kanyang pagbati sa bagong biyayang natanggap ng kanilang pamilya.

Photo credits to the owner

“CONGRATS to my inaanaks iyavillania and drewarellano on baby no 4! You two are blessed!”

Nakakatuwa naman talaga ang pamilya ni Iya dahil mas lalo itong magiging masaya sa nalalapit na pagdating ng kanilang baby number four. Matatandaan na ang bunsong anak na si Baby Alana ay isinilang ni Iya noong July 18, 2020. Maliban naman kay Baby Alana ay may dalawang anak na lalaki pa sina Iya at Drew. Sila ay sina Antonio Primo, 5 taong gulang at Alonzo Leon, 3 taong gulang.

Photo credits to the owner

Bilang isang butihing nanay naman sa kanyang mga anak, ay minsan na ring nabanggit ni Iya na hindi niya hahayaang maapektuhan ng mga pambabash sa social media ang kanyang parenting style.

“Hindi ako handa na baguhin ang style ko bilang isang magulang, dahil wala akong paki sa sasabihin ng ibang tao sa pagiging magulang ko sa mga anak ko, because that is my style.”

Sa darating na February 2022 ay ipagdiriwang nina Iya at Drew ang kanilang ika-walong taong pagsasama bilang mag-asawa.

error: Content is protected !!