Connect with us

Entertainment

Iya Villania, Ibinahagi ang Epektibong Potty Training na Kanyang Ginagawa sa Kanyang mga Anak mula sa Panganay Hanggang sa Bunso

Ang maging magulang ay hindi madaling trabaho. Marahil, ito na ang pinakamahirap na gawain, dahil ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ng isang magulang ay hindi biro.

Isa na nga rito ang pag-aalaga at pagpapalaki sa mga anak. At isa sa masasabing struggle ng isang magulang, ay ang tamang potty training.

Hindi naman talaga ito madali, lalo na kung nasanay sa diaper ang isang bata magmula pa noong pagkasilang. Ngunit, para sa TV host at mommy of three na si Iya Villania, ay may ginagawa siyang potty training upang agad na matutunan ng kanyang mga anak ang tamang pagbabawas o pag-ihi. Laking tipid naman talaga ito at wala ring masyadong kalat kapag marunong na ang batang magbawas sa banyo.

Dahil dito, ay maraming mommies ang humanga sa ginagawang training ni Iya sa kanyang mga anak. At kamakailan nga, ay ibinahagi na rin ito ng TV host sa nga mommies na tulad niya.

Sa panganay ni Iya na si Primo ay maaga niyang nasimulan ang matagumpay na potty training. Kaya naman, ang mga technique na kanyang natutunan kung pano maturuan ng madali si Primo, ay siya rin niyang ginawa kay Leon, at ngayon nga ay ginagawa rin niya sa bunsong anak na si Alana.

Ayon nga kay Iya, mas mainam na mas maagang simulan ang potty training sa mga bata, dahil kapag malaki na ang mga ito ay mahirap ng turuan.

“Medyo a little harder when they’re bigger because they’re stronger and [they] resist sitting on the toilet. That’s why I prefer to start early.”

Minsan na ring ibinahagi ni Iya sa isang Facebook live ang technique na ginagawa niya sa potty training ng kanyang mga anak, sa kanilang official page na Life with the Arellanos. May pitong tips na ibinigay si Iya para maging matagumpay ang potty training.

1. Start early, but take it slow.

Mahalaga nga na habang bata pa ay turuan na ang mga bata ng potty training para ito’y kanilang makasanayan.

“In our house, we like to start early and we try to take things slow,” sabi niya. “When they’re really young, they don’t have the ability to communicate what they feel [and] what they want.”

Ayon nga kay Iya, ay mag-iisang taon pa lamang si Primo ng turuan niya. Ngunit, laking gulat naman ni Iya kay Leon dahil sa edad na apat na buwan ay maaga niya itong naturuan.

2. Be consistent!

Mahalaga rin raw na consistent ang ginagawa. Kwento nga ni Iya, ay napansin niya kay Alana ang oras na magbabawas ito tuwing 4:30 ng umaga. At madalas na ganitong oras talaga ang nagbabawas ng anak, kaya naman sinubukan niyang paupuin ito sa toilet.

“Take them when you know they normally poop, like in the morning or before bath time, and then make it a routine,” payo niya.

3. Be familiar with your child’s pooping routine.

“It can be in the morning or 30 minutes after feed or it can be before bath time.”

Mahalaga nga na malaman ang oras ng pagbabawas ng bata para gawing routine ito hanggang makasanayan.

4. Avoid giving fluids at night as much as possible.

Dapat ring mag-ingat sa pagbibigay ng fluids lalo na sa gabi. Importante ito dahil nakakatulong ito upang maiwasan ang maihi ang bata sa kama.

5. Invest in good waterproof mats for the bed.

“You can find really good ones na cotton. Para lang din siyang kumot.”

Sa ganitong paraan ay hindi na umano pa kailangang pagsuotin ng diaper ang bata kapag natutulog.

6. Be patient

At upang maisakatuparan ito, ay kinakailangan ng mahabang pasensya dahil hindi agad-agad ay makukuha at matututunan ng bata ang potty training.

7. Practice walking to the toilet!

Ang pinakaimportante sa lahat na dapat ituro sa bata ay ang kaalaman nito kung saan tutungo sa tuwing magbabawas. Ngunit, kailangan ring maging handa sa anumang insidente kung hindi man umabot sa banyo ang bata.

error: Content is protected !!