Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi,Namahagi ng tig P10,000 sa mga Kababayan nating Nakatira sa Kalye at 10 Scholarship sa kanyang mga Followers

Hindi naman talaga maikakaila na hindi lamang panlabas na anyo ang mabuti sa aktres at vlogger na si Ivana Alawi, kundi maging ang kanyang kalooban ay sadyang napakabuti rin.

Makailang ulit na nating nasaksihan kung gaano kabuti ang vlogger, hindi lamang sa kanyang pamilya kundi pati na rin sa mga taong nangangailangan. At nitong mga nagdaang buwan ng pandemya, at panahon ng sakuna ay hindi nawawala si Ivana upang pagpaabot ng tulong. Dahil dito, ay mas marami ang taong humahanga at nagmamahal sa kanya.




Hindi na nga nakapagtataka ang dami ng tagahanga ni Ivana, at kamakailan lamang ay isang biyaya ang natamo ng aktres sa kanyang journey bilang Youtuber. Dahil sa loob lamang ng 14 months ay nakamit na ni Ivana ang 10 million subscribers.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

At upang ipagdiwang ang tagumpay na ito, sa halip na magkaroon ng engrandeng selebrasyon, ay mas pinili nga ni Ivana na magpaabot ng tulong sa mga taong nangangailangan ngayong nalalapit na pasko.

Ngunit, bago pa man siya mamahagi ng tulong, ay sinurpresa muna siya ng simpleng selebrasyon ng kanyang pamilya kung saan ay nagkaroon sila ng simpleng salo-salo. Ayon nga kay Ivana, ay ayaw niyang gumastos ng malaki sa selebrasyon dahil ang nais niya ay itulong na lamang ang pera sa mga nangangailangan.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

“Ayoko talaga gumastos ng malaki para sa celebration. Kung pwede naman natin itulong sa mga taong nangangailangan ngayon. Kahit nga birthday ayoko nga eh.”

Dagdag pa ni Ivana,“So yes thank you for the simple celebration. And after mamimili tayo ng grocery at ipamimigay natin sa mga taong nangangailangan.”

Matapos ngang mabusog sa inihandang pagkain ng kanyang pamilya, ay agad nang namili si Ivana ng maraming basket ng grocery na naglalaman ng masasarap na pagkain. Ayon nga kay Ivana, ay nais niyang matikman rin ng mga mahihirap ang masasarap na pagkain ngayong pasko.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sa pagdiriwang ng tagumpay na ito ni Ivana, ay mas pinili niyang magpaabot ng maagang pamasko sa mga taong kalye. Matapos mamili at maisaayos ang mga basket ng grocery ay agad ng nagtungo si Ivana sa lansangan. Ganun na lamang nga ang pasasalamat ng mga nakatanggap kay Ivana. Ang halagang P10,000 ay napakalaking tulong na para sa mga ito. Samahan pa nga ng basket na puno ng masasarap na pagkain at isang kahong prutas, ay talaga nga namang napakasaya na ng pasko ng mga ito.




Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Maliban naman sa pagbibigay ni Ivana ng P10,000 cash at grocery sa mga taong kalye, namahagi rin ang aktres ng scholarship sa mga netizens. 10 scholarship naman na mula sa produktong kanyang iniindorso ang maaaring matanggap ng mga tagahanga ni Ivana na makakasunod sa kanyang kondisyon. Ang scholarship na ito ay 2 taong pag-aaral sa anumang BS course sa lungsod ng Maynila.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Tunay nga na napakabuti ng puso ni Ivana dahilan upang mas lalo pa siyang hangaan at mahalin ng publiko.

error: Content is protected !!