Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi Tinupad ang Pangarap ng Kasambahay na Magparetoke, Prinank naman ang Kapatid na si Hashim na siya ay Nagparetoke Pagkatapos

Kilala ang YouTube vlogger na si Ivana Alawi sa kaniyang mga pranks. Bukod pa rito, kilala rin siya bilang isang mapagbigay na tao. Makikita sa ilang vlogs nito ang mga regalo na kaniyang ibinibigay sa kaniyang pamilya at mga kaibigan. Nakita rin ng kaniyang mga fans kung paano siya handang tumulong sa mga nangangailangan. Sinusubukan din niyang ibigay kung ano ang makakaya niya para mapasaya ang kaniyang mga malalapit na katrabaho.

Ibinahagi ni Ivana ang sorpresang inihanda niya para sa kaniyang kasambahay na si Mae. Kwento ni Ivana, naantig siya sa kwento ni Mae na isang single mom.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Ilang taon na umano nitong hindi nakikita ang kaniyang anak at lahat ng kaniyang kinikita mula sa pagtatrabaho ay ibinibigay niya sa kaniyang anak.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Dahil dito, bihira siyang nakakapag-ipon para sa kaniyang pangarap. Ayon pa kay Mae, matagal na niyang insecurity ang kaniyang ilong dahil sa pangungutya ng kaniyang mga kaibigan.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Dahil sa kabutihang puso ng vlogger, nagdesisyon siyang tulungan si Mae. Dagdag pa niya, wala umanong masama sa pagpaparetoke at ipinaalala naman niya kay Mae na napakaganda na nito ngunit kung ang pagpaparetoke ay para sa ikatataas ng kaniyang kumpiyansa sa sarili, handa umano itong suportahan ni Ivana.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Naging emosyonal naman si Mae nang ibahagi na ni Ivana ang kaniyang sorpresa para dito. Makikita naman ang saya at excitement dito kaya naman labis din ang kaniyang pasasalamat sa boss.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Talagang punong-puno ng tawanan at good vibes ang vlog na ito. Ikinatuwa naman ng netizens ang pagtulong na ito ni Ivana. Ayon nga sa ilang fans ng vlogger, kapansin-pansin ang pagiging malapit niya kahit sa kaniyang mga empleyado. Natuwa rin sila sa ipinakitang kabutihan ni Ivana sa mga ito lalo na ang kaniyang kahandaan na gawin ang lahat upang mapasaya lamang ang kaniyang mga malalapit na empleyado.

Samantala, nagkaroon naman ng pagkakataon si Ivana na i-prank ang kanyang kapatid na si Hashim matapos itong magpangap na nagparetoke ng ilong. Gulat na gulat naman si Hashim at tinanong nito kung bakit pa ito nag paayos ng ilong, e maganda naman ang ilong nito.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Halata sa muka ni Hashim ang pagkainis sa kapatid kahit hindi nito pinapahalata pero natawa naman ito ng inamin na ni Ivana na prank lang ito.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sumunod naman tinawagan ni Ivana ay ang kanyang kuya Perry at ang kanyang kapatid na si ate Amira, hindi naman naniwala si perry ngunit si Amira ay mukang paniwalang paniwala. Sa huling parte naman ng video ay sinabi ni Ivana na sinubukan niyang iprank ang kanyang Mama Fatima ngunit fail ito dahil hindi din ito naniwala.

 

error: Content is protected !!