Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi, Sinurpresa ng Kanyang Pamilya sa Kanyang Birthday, Ipinasilip rin ang Kanyang Mala-dyosang Kagandahan sa Kanyang Birthday Photoshoot

Ang Disyembre 25 ay isang araw na napakahalaga hindi lamang sa bawat kalendaryo kundi pati na rin sa ating mga buhay. Dahil ito ay espesyal na araw upang ipagdiwang ang araw ng pasko na ang hatid ay pagbibigayan at pagmamahalan.




Ngunit para sa aktres at vlogger na si Ivana Alawi, ay hindi lamang ito araw ng pasko, kundi mas lalo pa itong naging espesyal dahil ito ay araw din ng kanyang kapanganakan.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Double celebration nga ang naganap nitong ika-25 ng Disyembre sa buhay ni Ivana, isang masayang pagdiriwang ng kapaskuhan at isang hindi malilimutang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
At sa pagdiriwang ng kanyang ika-24 taong kaarawan, ay siya naman ngayon ang hinandogan ng surpresa ng kanyang pamilya. Dahil nga espesyal ang araw na ito, maliban sa surpresa ng kanyang pamilya, ay nagkaroon rin siya ng birthday photoshoot.




Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sa kanyang vlog na ibinahagi noong ika-26 ng Disyembre sa kanyang Youtube channel, ipinasilip ni Ivana ang munting surpresa ng kanyang pamilya at naging kaganapan sa kanyang birthday photoshoot.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Makikita sa unang bahagi ng video na akay pababa si Ivana ng kanyang ina mula sa 2nd floor ng kanilang tahanan habang nakapiring ang mga mata. At sa pagmulat ng kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang isang napakalaki at napakagandang bouquet ng bulaklak. Maliban dito, ay may tatlong pirasong cake na may iba’t ibang klaseng disenyo ring inihanda ang kanyang pamilya. Hindi rin siyempre mawawala ang masayang salo-salo kasama ang kanyang pamilya. Labis nga ang kaligayahan at pasasalamat ni Ivana, dahil sa surpresa ng mga ito. Masaya rin ang vlogger sapagkat sa kanyang kaarawan ay kompleto at kasama niya ang kanyang pamilya.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Samantala, pinatunayan naman ni Ivana sa kanyang birthday photoshoot na isa siya sa may pinakamagandang mukha sa showbiz. Sa tulong nga ng kanyang glam team at mahusay na photographer ay naisakatuparan ni Ivana ang kanyang pinapangarap na photoshoot.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Ang birthday photoshoot ni Ivana ay ginanap sa Las Casas, Quezon City. Sadyang napakaganda ng lugar na mas lalong nagpalutang sa kagandahan ni Ivana habang suot ang mga magagandang gown. Hindi maikakaila na napakaeleganteng tingnan ni Ivana sa mga kuha ng larawan.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Tila isang prinsesa namang napapalibutan ng mga puting bulaklak si Ivana sa hardin ng Las Casas habang suot ang kulay pink na gown. Lutang na lutang nga ang mala-dyosang kagandahan ng vlogger na talaga namang kahanga-hanga.




Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

At dahil kaarawan ni Ivana, ay sinurpresa rin siya ng kanyang team kung saan ay hinandogan siya ng cake at bulaklak.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Talaga namang napakasaya ng naging pagdiriwang ng pasko at kaarawan ni Ivana sa piling ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Happy Birthday Ivana!

error: Content is protected !!