Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi, Sinurpresa ang Kanyang Ina ng Regalong Nagkakahalaga ng Isang Milyong Piso sa Kaarawan nito

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami kung gaano kamahal ng aktres at sikat na vlogger na si Ivana Alawi ang kanyang pamilya. At ilang ulit na ngang nasaksihan ng madla, kung paano pasayahin ni Ivana ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng mga supresa at regalo.

Photo credits: google.com

At sa pagdiriwang nga ng kaarawan ng kanyang ina, na si Fatima Alawi na mas kilala bilang Mama Alawi, ay muling pinatunayan ni Ivana ang kanyang pagmamahal sa kanyang ina na nagluwal sa kanya sa mundo.

Photo credits: google.com

Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ni Ivana ang kanyang nakakaantig na mensahe ng pagbati para sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang ina. Sa kanyang post, ay damang-dama ang pagmamahal ng isang anak sa kanyang ina kung saan nga ay pinasalamatan niya ito sa pagpapalaki sa kanilang magkakapatid.

“You are the one person who never stopped believing in me and in my dreams. Thank you for raising us to be as strong, kind-hearted and giving as you are.”

Photo credits: ivana alawi | Youtube

Kalakip ng nakakaantig na post ni Ivana sa kanyang Instagram, ay ang mga throwback photos nilang magkakapatid kasama ang kanilang ina.

At para sa masayang pagdiriwang ng kaarawan ni Mama Alawi noong nakaraang linggo ay nagtungo sila sa isang napakagandang resort na malapit sa lake ng Batangas, ang The Vineyard at Tanauan Hotel Resort. At dito nga sila nagkaroon ng isang masayang bakasyon, at nagbonding nang magkakasama.

Photo credits: ivana alawi | Youtube

Maliban nga sa magagandang tanawin na kanilang nasilayan sa napakagandang resort, ay nag-enjoy rin sila sa bonggang serbisyo ng resort katulad na lamang ng customary golf cart, masasarap na pagkain, at yacht ride experience.

Photo credits: ivana alawi | Youtube

Samantala, hindi rin siyempre mawawala ang espesyal na regalo na inihanda ni Ivana sa kanyang ina. Ang vineyard resort na kanilang pinuntahan, ay talagang sinadya ni Ivana para surpresahin ang kanyang ina, kasama ang kanyang mga kapatid na si Hashim at Mona. Ayon kay Ivana, ay gusto niyang maranasan ni Mama Alawi ang mamitas ng grapes.

Photo credits: ivana alawi | Youtube

At dahil ayaw naman ni Mama Alawi na bigyan siya ng gamit ni Ivana, ay naisip nga ng aktres na mag-eenjoy ang kanyang ina sa kanyang surpresa. Ngunit, sa halip na bunga ng grapes ang ipapitas ni Ivana, ay mga nakasabit na cash na nagkakahalaga ng P100,000 bawat isa ang nakuha ni Mama Alawi, at sa kabuuan nga ay nakakuha ito ng P1,000,000.

Photo credits: ivana alawi | Youtube

“Si mama mahilig siya magpitas, pero never niya na-experience dito sa Pilipinas.Ayaw niya ng gamit kasi sayang. Gusto nya bumili ng mga pagkain.”

Photo credits: ivana alawi | Youtube

Photo credits: ivana alawi | Youtube

Makikita naman na masayang-masaya si Mama Alawi sa inihandang surpresa ni Ivana para sa kanya. Biro pa nga nito,“Milyonaryo na ako”.

Matapos naman nito ay agad silang nagtungo sa garden area para magkaroon ng masayang salo-salo.

error: Content is protected !!