Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi Proud CEO na ng Kanyang Sariling Skin Care Line na Tinawag Niyang “Ivana Skin”

Maliban sa pagiging isang aktres at vlogger, ay isa na ring CEO ngayon ng kanyang sariling Skin Care Line si Ivana Alawi, kung saan ito nga ay tinawag niyang ‘Ivana Skin’.

Photo Credits: Ivana Alawi| IG

Nito lamang nakaraan ay masayang ibinahagi ni Ivana sa kanyang mga tagahanga ang bagong milestone nga na ito ng kanyang buhay, at ito nga ay ang pagiging isa niyang CEO ng Ivana Skin, ang sarili niyang Skin Care Line, na paniguradong tatangkilikin ng maraming mga kababaihan.

Photo Credits: Ivana Alawi| IG

Ang magandang balita na ito ni Ivana ay kanyang ibinahagi sa kanyang pinakabagong upload vlog sa YouTube channel niya, at ito ay nilagyan niya ng titulong “MY NEWEST BABY REVEAL”. Sa vlog din niyang ito, ay makikita na kasama ng actress-vlogger ang kanyang buong pamilya na todo naman talaga ang ibinibigay na suporta sa kanya.

Photo Credits: Ivana Alawi| IG

Makikita ngang masayang ang buong pamilya ni Ivana para sa bagong achievement niyang ito sa kanyang buhay.
Mapapanood rin sa vlog niyang ito, ang naging pagbibigay ng kanyang mga kapatid ng kanilang personal na reviews tungkol sa panibagong milestone nga niyang ito, kabilang na rito ang kapatid niyang lalaki na si Hash Alawi.

Photo Credits: Ivana Alawi| IG

Ibinahagi rin naman ni Ivana sa personal vlog niyang ito ang dahilan kung bakit niya sinimulan ang kanyang skin care business. Ayon nga sa kanya, ay pinakauna sa dahilan niya ay ang kanyang personal experience sa kanyang skin noon. Binalikan din niya ang mga panahon na hindi umano niyang magawang magsuot ng sleeveless dahil sa kawalan niya ng confidence sa sarili.

Photo Credits: Ivana Alawi| IG

“Noong bata ako, sobrang hilig ko talaga sa skin care and nu’ng bata ako, hiyang hiya ako sa skin ko. Hindi ako makapagsleeveless… nahihiya talaga ako, wala akong confidence sa sarili ko at natuto akong alagaan ang sarili ko,” pagbabahagi niya.

Dagdag na saad pa ng actress-vlogger, noon pa man ay pangarap na talaga niya ang magkaroon ng sarili niyang skin care, lalo pa’t mahilig siya sa mga skin care products.At ngayo nga na natupad na ang pangarap niyang ito, siyempre masaya umano suyang ibahagi sa lahat ang naging pag-aalaga niya sa kanyang balat, sa abot kayang halaga.

Photo Credits: Ivana Alawi| IG

Samantala, ilan nga sa mga produkto ng Ivana Skin na maaring makatulong sa ating mga skin problems o pag-aalaga ng ating balat ay ang Beautifying Body Milk (Php 399), Perfect Whipp Bar (Php 199), Purifying Charcoal bar (Php 129), at ang Rejuvenating Glow Kit (Php 499). Ang lahat nga ng mga ito ay tunay na abot kamay ang halaga, kaya naman sigurado na marami ang tatangkilik sa mga skin care products na ito ng Ivana Skin.

error: Content is protected !!