Connect with us

Entertainment

‘I Sold Our House’ Ivana Alawi, Umariba Nanaman sa Pang Praprank sa Ina, Ibinenta daw ang Bagong Bahay at Pilit ng Pinapaalis

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami ang pagiging mapagmahal ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi sa kanyang pamilya. Handa ngang gawin ni Ivana ang lahat para sa kanyang pamilya para mapaligaya lamang ang mga ito.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Kamakailan lamang nga, ay muling pinatunayan ni Ivana ang kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang inang si Fatima Alawi at kapatid na si Mona. Isa ngang surpresa ang inihanda ni Ivana para sa kanyang ina at kapatid na nagpaiyak sa mga ito. Ito nga ay matapos niyang iregalo at ipangalan ang bagong bahay na kanyang ipinatayo.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Ayon nga kay Ivana, ay matagal na niyang pangarap ang mabilhan ng bahay. Noong 5 years pa lamang siya ay nangako na siya sa kanyang ina na ito ang una niyang bibilhan ng bahay. Talagang pinaghandaan ni Ivana ang araw na ito para maibigay ang susi ng bahay sa kanyang ina.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Malaki rin ang pasasalamat ni Ivana sa kanyang kapatid na si Mona dahil ito umano ang dahilan kung bakit isa siyang matagumpay na Youtuber ngayon. Hindi nga maitago ni Ivana ang kanyang saya dahil sa wakas nga ay natupad na niya ang pangarap na bahay at lupa para sa kanyang ina at kapatid.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Ngunit, dahil nga talagang isang mahusay na vlogger si Ivana, at sanay na sanay na mang-prank, ay idinaan niya muna sa isang prank ang surpresa. Sa kanyang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel, ay ibinahagi niya ang kaganapan sa naging surpresa.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Una nga ay inanunsyo muna ni Ivana na sa kanila na nga ang bahay at lupa kung saan dito na tumutuloy at naninirahan ang kanyang pamilya. Kitang-kita naman kung gaano kasaya ang kanilang pamilya dahil sa araw na iyon, ay isang house tour vlog ang kanilang gagawin. At ito nga, ay talagang kasama sa plano ni Ivana para magiging makatotohanan ang kanyang prank.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Hanggang sa may isang babae at abogadong dumating sa labas ng gate ng kanilang bahay, ay sinasabi na ito raw ang tunay na may-ari ng bahay. Dahil nga, sa katarayan at sinabi ng babaeng umaangkin ng bahay, ay hindi naiwasan ng ina ni Ivana na makipagsagutan dito. At nang labasin naman ito ni Ivana, ay nakipagsagutan rin ang aktres para ipagtanggol ang kanyang sarili.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Samantala, ang ina ni Ivana na si Fatima ay hindi naman mapigil ang kanyang galit dahil sa nangyari. Dahil nga dito, ay hindi na nila itinuloy pa ang house tour vlog. Sa naging reaksyon nga ni Mommy Fatima, ay tila nga epektibo ang prank na ginawa ni Ivana. Kaya naman, hindi na nga nakatiis pa si Ivana at ibinigay ang dokumento kung saan nakasulat na ang kanyang ina at si Mona ang tunay na may-ari ng bahay.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Sa huli nga ay hindi na napigilan ni Mommy Fatima at Mona ang maiyak sa labis na tuwa at pasasalamat. Talagang hindi ito inaasahan ng dalawa, kaya naman ang galit ni Mommy Fatima ay napalitan ng saya. Habang si Mona, ay hindi rin makapaniwala sa surpresa ng kanyang ate.

error: Content is protected !!