Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi, Nireject ang Kanyang Napakayamang Manliligaw Na Nagmamay-ari ng Private Jet Matapos Siyang Mayabangan

Kapag naririnig nga ang pangalan ni Ivana Alawi, ay agad na sumasagi sa ating isipan ang kanyang maganda at maamong mukha, pati na rin ang kanyang napakagandang hubog ng katawan na sadyang napakaseksi, idagdag pa rito ang kanyang napakakinis na kutis.

Credit: Ivana Alawi | Instagram

Sa taglay nga na magandang katangian ni Ivana, ay walang duda na isa siya sa hinahangaang personalidad sa showbiz na minsang na ring binansagang “Crush ng Bayan”. Mas lalo namang pinapabilib ni Ivana ang kanyang mga tagahanga, dahil ilang ulit na rin niyang pinatunayan na hindi lamang panlabas na anyo ang maganda sa kanya, kundi taglay rin niya ang busilak na puso at kalooban na laging handang tumulong sa kapwa.

Sa kanyang taglay na kagandahan, kaseksihan, kasikatan at kayamanan ay maraming lalaki ang nagkakandarapa na maging kasintahan si Ivana. Ngunit, hindi naman lahat ay mapalad na mabigyan ng pagkakataon na makausap siya. At hindi naman agad na natitipuhan ni Ivana ang isang lalaki kahit pa napakayaman nito.

Sa isang vlog ay minsan nang ibinahagi ni Ivana na marami siyang manliligaw at nais siyang maging kasintahan ngunit hindi ito madali. Ibinahagi ni Ivana sa kanyang vlog ang isa sa kanyang naging karanasan sa kanyang mga manliligaw.

Credit: Ivana Alawi | Instagram

Ito nga ay isa umanong lalaking napakayaman at nagmamay-ari pa ng private jet. Bagama’t hindi pinangalanan ni Ivana ang lalaki, ay sinabi ng aktres na ito’y isang avid fan niya at madalas ring magpadala ng mensahe sa kanya. At may pagkakataon nga raw na matapos makita ang kanyang Instagram post, kung saan nakasaad na nais niyang kumain ng Japanese food ay inimbitahan siya ng lalaki na lumipad patungong Japan sakay ng private jet nito para doon kumain ng Japanese food.

“Parang nagki-crave ako nag-post ako sa Instagram. Matagal na siya nagdi-DM sa Instagram. Sabi niya, “Puwede ba kita ligawan? Sunduin kita ng private jet. Tapos punta tayo ng Japan, tapos kakain tayo dun.”

Ngunit, sa halip na matuwa ay tila nairita pa si Ivana sa lalaki dahil sa iba ang dating nito sa kanya, at talagang nayabangan siya sa inasal nito. Kaya naman, agad niyang tinanggihan ang lalaki.

“Tapos, parang ako, sa tingin mo sasama ako sa’yo papunta ng Japan dahil lang may jet ka? No! Ni-reject ko yun. Ang yabang! Hindi siya bongga. Mayabang. Pinakamayabang yun.”

Paglilinaw naman ni Ivana ay hindi siya sasama sa lalaki kahit pa may private jet ito. At kahit na romantiko pa ito, ay hindi parin niya ito magugustuhan. Dahil mas nais ni Ivana ang isang mabuting tao na handang makipagkaibigan at walang yabang sa katawan.

Credit: Ivana Alawi | Instagram

“Eto lang masasabi ko, hindi porke’t may pera ka makukuha mo lahat ng gusto mo. Sometimes you just have to be good to people. You have to be friendly. Kung gusto mo makipagkaibigan, makipagkaibigan ka. Pero hindi porke’t, ‘Ay, may jet ako’, lahat ng babae sasama sa’yo.”

Hindi naman maiwasan ni Ivana ang mairita sa tuwing maaalala ang lalaking ito. Ang akala siguro ng lalaki ay agad nitong makukuha si Ivana dahil sa mayaman siya. Ngunit, minsan nang ibinahagi ni Ivana na mas pinapahalagahan niya ang isang tunay at tipikal na manliligaw. Hindi rin mahilig si Ivana sa mga mamahaling bagay dahil ang mas nais niya ay mga simpleng bagay lamang na nakakapagpasaya sa kanya.

Credit: Ivana Alawi | Instagram

“Mas gusto ko po yung simple. Dalhin mo ako sa bulalo, kwekwek. Pero yung yayabangan mo ko? Ay, ni-reject ko talaga.”

error: Content is protected !!