Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi, Napaiyak Matapos Gantihan ng Prank ng Kanyang Mommy Fatima sa 24-Hour Tent Challenge

Muli na namang naghatid ng saya sa kanilang mga tagahanga ang pamilya ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi sa latest vlog na “24-Hour Tent Challenge”, na mapapanood sa Youtube Channel ni Ivana.




Sa naturang challenge nga, ay mananatili ang kanilang pamilya sa loob ng tent, kung saan ay hinati sa dalawang grupo. Ang Team Vanana na binubuo ni Ivana at Moana, at Team Maashim na binubuo naman ni Hashim at Mommy Fatima.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Makikita ang exitement ng bawat isa kung magagawa ba nilang matapos ang challenge sa loob ng 24 oras. Minsan na ring sinubukan ni Ivana ang manatili sa loob ng CR ng 24 oras, at sa pagkakataong ito ay sa loob naman ng tent na kasama ang kanyang pamilya sa challenge.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Ito na rin ang nagsilbing bonding moments ng kanilang pamilya. Sa isang napakalawak na lugar, na may magandang tanawin at napapalibutan ng mga puno, ay nagtayo ang dalawang grupo ng kani-kanilang tent.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

At dahil bawal lumabas sa tent, ay nagbaon na sila ng mga unan, at mga pagkain. Isa nga sa pagkaing baon nina Ivana ay korean instant noodles na yopokki at topokki.

At nang sumapit na nga ang gabi, ay kanya-kanya nang pasok sa tent ang dalawang grupo upang matulog. Ngunit, lingid sa kaalaman nina Ivana at Moana, ay walang balak manatili sa loob ng tent ang katunggaling sina Hashim at Mommy Fatima. Nang maramdaman nga na tulog na sina Ivana, ay dahan-dahang lumabas ng kanilang tent ang Team Maashim.

Nang makalabas nga sa tent ay nag-enjoy ang mag-ina habang sina Ivana at Moana ay mahimbing na natutulog. Si Hashim ay nagawa pang magswimming sa pool. Ngunit, maliban rito ay may inihanda pang kalokohan si Mommy Fatima para kay Ivana. Ito ay mga laruang ahas na kanyang gagamitin upang makaganti ng prank kay Ivana.

Ayon nga kay Mommy Fatima, dahil nga madalas silang iprank ni Ivana, ay pagkakataon na ito upang makaganti sila ng prank.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Pagsapit nga ng umaga, ay laking gulat ng natutulog na si Ivana sa sigaw ni Mommy Fatima na may ahas. Hindi magkandaugaga si Ivana sa paglabas ng tent.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube




Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

At matapos nito ay nagwalk-out na si Ivana, kahit pa may nakahandang peace offering sina Moana. Hindi na nga napigil pa ni Ivana ang pag-iyak, hindi dahil sa pagkatakot sa mga laruang ahas, kundi dahil sa sobrang pag-aalala sa kanyang ina, na baka nakagat na ito ng ahas.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sa kabila ng pagkakaisa ng tatlo upang maprank si Ivana, ay nanaig pa rin ang pag-aalala at pagmamahal ni Ivana sa kanyang pamilya. Talaga namang napakabuti ng puso ni Ivana pagdating sa kanyang pamilya.

error: Content is protected !!