Connect with us

Stories

Ivana Alawi, Naglabas ng Pahayag Laban sa Kanyang mga Bashers na Nagsasabing Hubadera Lang Siya

Si Ivana Alawi ay kilala na marahil ng lahat bilang isang napakaganda at napakaseksing babae. Hindi maitatanggi ang kanyang kasikatan sa dami ng kanyang followers sa social media. Kilala rin siya sa kanyang mga nakakaaliw na video sa kanyang mga vlog na mapapanood naman sa kanyang Youtube Channel. Marami nga ang humahanga sa kanya na talaga namang inaabangan ang bawat ganap sa buhay niya.




Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan at pagiging confident sa kanyang ganda at seksing katawan, may mga tao pa rin na tila naiinggit sa kung anong meron siya. Madalas ngang magbahagi ang aktres ng kanyang mga sexy photos sa social media, at dahil na rin sa kanyang taglay na confidence, mainit ang mata ng mga netizens sa kanya kung kaya’t madalas rin siyang pag-piyestahan ng mga bashers.

Sa pakikipagkwentuhan sa programang “I Feel U” ni Ivana, hindi napigilang sagotin ng aktres ang mga masasamang salitang ibinabato sa kanya ng mga bashers, isa na nga rito ang desisyon niyang pasokin ang pagpapasexy. Naglabas nga ng pahayag ang aktres laban sa mga bashers.

“Well I know myself and alam ko na I’m more than just sa paghuhubad and proud ako sa sarili ko e’ so bakit ako magpapa-apekto sa mga taong humihila sa akin pa baba and trying to say na ang dami kasi talaga ganyang reaction na sinasabi nila na ‘Ano ba yan, panay pakita ka ng katawan, iyan lang ang meron ka, wala kang utak, wala kang ganun,’ but I’m proud of myself, nakapag-tapos ako sa college, natutulungan ko family ko and I’m happy. I’m not hurting anyone, trabahong marangal. Naiingit lang sila e’ and I accept that,” tugon ni Ivana sa panayam.




Pag-amin naman ni Ivana, may pagkakataon umanong naranasan niyang makatanggap ng masasakit na salita sa mismong kaibigan niya at halos hindi niya ito matanggap at sobra rin siyang naapektuhan sa mga sinabi nito.

“Siguro ‘yung sa kaibigan ko, sobrang naapektuhan ako kasi ‘yun ‘yung time na gusto kong maging sexy tapos, ang sakit na binibitawan na salita, kasi meron akong close friend dati sobrang close, everyday magka-chat kami, pag mag post ako ng picture isesend ko muna sa kanila para ipa-approve sa kanila, pero nagsalita sila ng napaka-sakit na word and that really hurt me, kasi I treated them as my own family,” ani Ivana.

Laking pasasalamat rin ni Ivana sa pagkakaroon ng pamilya na sinusuportahan at ipinagmamalaki siya, gaya na lamang ng kanyang mama at kapatid.

“Yung mama ko and mga kapatid ko, never ako nakarinig ng mga salita na nakakahiya ka or mga ganun,” aniya. “They’re proud of me, and I am happy na my family supports me. Ang nakakalungkot lang was the people I thought were my friends, they never supported me sabi nila ‘Wala kang mararating.’”

Dahil talagang nasaktan si Ivana sa sinabi ng kanyang mga kaibigan, umabot rin umano sa puntong muntik ng sumuko si Ivana sa kanyang pangarap na maging artista.

“Pumunta ako sa manager ko sabi ko ‘paki-remove na po ako, gusto ko na po umalis at hindi ko na po itutuloy ang pagiging sexy ko at ayoko na’, but then my mom told me na ‘lumaban ka, bakit ka magpapa-apekto sa mga kaibigan mo, hindi mo sila kaibigan kung ganyan sila,” kuwento ni Ivana.

Ngunit, ang lahat ng naranasang ito ni Ivana ay kanyang nalampasan. Sa katagalan ay nasanay na siya sa mga ibinabato ng mga bashers sa kanya. At ngayon nga, matagumpay na siya sa kanyang karera bilang aktres at abala rin sa kanyang pagiging vlogger. Sa ngayon ay abala na si Ivana kanyang sa paghahanda sa kanyang unang lead role sa Kapamilya show na Ang Lihim Ni Ligaya.




error: Content is protected !!