Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi, Nagbigay ng Update sa Kalusugan ni Mona na Maayos na ang Lagay Ngayon, May Pasilip rin sa Ipinapagawa nilang Bahay

Ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi, ay laging updated sa pagbibigay ng saya at inspirasyon sa kanyang mga tagahanga at followers sa pamamagitan ng kanyang mga nakakaaliw na video na mapapanood sa kanyang YouTube Channel.

Madalas namang makasama ni Ivana sa pagbibigay ng saya sa kanyang mga tagahanga ang kanyang pamilya na kinabibilangan ng kanyang ina na si Mama Fatima Alawi at dalawang kapatid na sina Hashim at Mona.

Ngunit, kapansin-pansin na wala sa mga latest vlog ni Ivana ang kanyang kapatid na si Mona. At nitong ika-31 ng Mayo sa latest vlog ni Ivana, ay nakasama na niya si Mona upang ipaliwanag ang dahilan kung bakit wala ang kanyang kapatid sa ilan niyang mga vlogs.

Ayon nga kay Ivana ang dahilan kung bakit wala si Mona, ay dahil may sakit umano ito. Si Mona ay 16 taong gulang, at sa kanyang edad ay dumaranas na siya ng Type 1 diabetes na na-diagnosed noong 2011. Si Mona lamang sa kanilang pamilya ang may ganitong uri ng karamdaman. Dahil dito, ay kailangang magkaroon ni Mona ng balanced food o balanced diet para mamonitor ang kanyang sugar. Maraming bawal kay Mona lalo na ang matatamis na pagkain at malakas sa carbohydrates. Kinakailangan rin niyang mamaintain ang kanyang daily regimen ng insulin self-injections.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Samantala, habang nagmumukbang at nakukwentuhan ay naikwento naman ni Mona na medyo maayos na ang kanyang kalagayan ngayon. Bagama’t, bumuti na ang kalagayan ng kanyang kalusugan ngayon, kumpara noong mga nakaraang araw ay kinakailangan parin niyang alagaan at ingatan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pahinga at tamang pagkain.

Nagpasalamat naman si Mona at Ivana sa mga taong patuloy na ipinapakita ang suporta sa kanila, lalo na nga sa mga taong namimiss si Mona at hinahanap sa vlog ng kanyang Ate Ivana.

Samantala, sa huling bahagi ng video ay ipinasilip naman ni Ivana ang ipinapatayong bahay kasama ang kanyang Mama Alawi. Makikita na inilibot ni Ivana ang kanyang nga viewers sa bawat bahagi ng bahay.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Ang malamansyon sa gandang bahay kapag natapos ay may disenyong white at gold na kung saan ay paboritong kulay ni Mama Alawi. Kitang-kita naman kung gaano kalawak ang bagong tahanan na ito ng pamilya ni Ivana. Tiyak na kapag natapos na ito, ay masaya silang makakabuo ng magagandang alaala rito.

error: Content is protected !!