Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi, Na-Prank ni Mona! Pinaiyak Muna ng Kapatdid Niya, Bago Ibigay ang Sorpresa sa Kanya Nitong Laptop

Madalas nating napapanood si Ivana Alawi sa kanyang mga vlog na pinapa-prank o binibigyan ng sorpresa ang kanyang kapamilya, lalo na ang kanyang ina at mga kapatid. Ngunit nito lamang nakaraan, ay ang Kapamilya actress-vlogger ang na-prank ng kapatid niyang si Mona kung saan ay napaiyak siya , at sa huli ang luha niya ay napalitan naman ng saya ng malaman ang sorpresa ng kapatid niyang si Mona sa kanya.

Photo credits: Ivana Alawi| YT

Sa ulat ng KAMI nito lamang nakaraan, ay nakalahad nga kung paano na-prank ni Mona ang kanyang ate Ivana, bago pa man nga niya ibigay ang kanyang sorpresa rito. Ayon sa ulat, ang prank ni Mona sa kanyang ate Ivana ay nang sabihin niya rito na naihulog ng kanilang pamangkin na si Gab ang laptop nito.

Photo credits: Ivana Alawi| YT

Nang mga panahon nga na ito ay kasalukuyang abala si Ivana sa kanyang photoshoot para sa Ivana Skin Care, kung kaya naman dala ng aktres ang kanyang laptop sapagkat halos lahat nga ng mahahalaga niyang ‘files’ ay naroon. Nang saglit ngang iwan ni Ivana ang kanyang laptop, ay dito naman nagkaroon ng pagkakataon si Mona na palitan ang laptop ng kanyang ate ng maipa-prank niya rito.

Ayon kay Mona, naisipan niya muna na i-prank ang kanyang ate Ivana bago ibigay ang sorpresa niya rito dahil sa kinaaliwan nga nila ito sa tuwing ito ay umiiyak dahil sa para nga itong bata.

Photo credits: Ivana Alawi| YT

Makikita nga sa video ni Mona na para ngang bata na umiiyak si Ivana sa pag-aakala niya ngang tunay na laptop niya ang nasira dahil sa pagkakatapon ng pamangkin niyang si Gab, na si Mona naman talaga ang tunay na gumawa.

Mas nakakaaliw pa nga itong panuorin habang umiiyak lalo na ng tawagin nito ang kanilang ina at parang batang nagsumbong na itinapon nga ang kanyang laptop at ito ay tuluyan ng nawasak at hindi na niya magagamit pa.

Photo credits: Ivana Alawi| YT

Patuloy naman ang pag-acting ni Mona na animo’y nagse-search kung ano ba ang mabisang gawin para sa mga nasirang laptop, ngunit ang tunay na ginagawa niya ay kinukuhaan nga niya ng video ang ate Ivana niya na umiiyak na dahil sa pagkakahinayang sa mga inakalang hindi na maayos at mapapakinabangan na mga files na nasa laptop.

Photo credits: Ivana Alawi| YT

Sa huli naman, nang sabihin na ni Mona sa kanyang ate Ivana na prank lamang ang lahat at nang ibigay na niya rito ang kanyang sorpresa na laptop, imbis nga na magalit ang Kapamilya actress ay naantig pa ang puso nito dahil sa sorpresa sa kanya ng kapatid niyang si Mona. Ayon nga sa ulat, mismong pera ni Mona ang ginamit niyang pambili ng sopresa niyang bagong laptop para sa ate Ivana niya.

error: Content is protected !!