Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi, Masayang Nagdiwang Ng Kanyang Kaarawan At Pasko Kasama Ang Kanyang Pamilya Sa Isang P1 Million Per Night Na Hotel Villa

Ang araw ng Pasko ay napakaespesyal naman talaga para sa aktres at sikat na vlogger na si Ivana Alawi. Sa mismong araw rin kasi ng Pasko ipinagdiriwang ni Ivana ang kanyang birthday. At ngayong taon nga ay ipinagdiriwang ni Ivana ang kanyang ika-25th birthday.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Para sa espesyal na araw ni Ivana na double celebration na rin para sa pagdiriwang ng pasko, ay isang bongga at napakasosyal na selebrasyon ang naganap. Naisip nga ni Ivana na sa napakaganda at napakarangyang hotel magpa-book para mag-enjoy sa kanyang kaarawan kasama ang kanyang pamilya. At ito nga ay sa Okada Manila na may nakakalulang presyo na P1 million per night.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Hindi naman nakalimutang isama ni Ivana ang kanyang pamilya, mga staffs at manager sa kanyang masayang birthday celebration kung saan nga ay tatlong kwarto ang kanyang pinabook. Ngunit, pagdating sa hotel ay pinaupgrade ito, at naging isang malaking villa na kung saan ay may swimming pool, spa at may sariling chef pa. Kaya naman, sa loob ng 48 na oras ay talagang susulitin nila ang bawat sandali para mag-enjoy sa mamahaling hotel villa.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Sa pagdating pa lang nila sa hotel ay mainit na ang naging pagtanggap sa kanila kung saan ay may nakahandang welcome drinks at pagkain para kina Ivana. May inihanda ring sugar free na pagkain para kay Mona. At siyempre, hindi naman mawawala ang birthday cake para kay Ivana.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Sa ganda at lawak nga ng hotel ay talagang napa-wow si Ivana nang libutin nila ito. Napakabongga naman talaga ng birthday celebration ni Ivana dahil sadyang nakakalula ng bawat gabing sila’y nananatili dito. Kaya naman, wala silang pinalampas na pagkakataon para mag-enjoy. Makikita nga na talagang napabilib sila sa sarap ng mga pagkain dito.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Masaya ring nag-swimming ang kanilang pamilya sa nakahandang swimming pool. At makikita nga kung gaano sila kasaya sa kanilang bonding moments. Isa naman sa talagang naenjoy ni Ivana ay ang spa kung saan nga ay nagpa-foot spa sila at massage. Sa sobrang sarap sa pakiramdam habang minamasahe, ay hindi naiwasan ni Ivana ang makatulog kung saan nga ay ginising pa siya ni Mona.

CREDITS: Ivana Alawi| YT

Marami nga ang talagang napa-sana all sa bonggang birthday celebration na ito ni Ivana dahil kung tutuusin ang halagang P1 million ay maaari nang makabili ng bahay, lupa o kaya naman ay sasakyan. Ngunit, nilinaw naman ni Ivana sa comment section ng kanyang video sa kanyang Youtube Channel, na hindi siya gumastos ng P2 million para sa dalawang gabing pananatili sa Okada Manila, bagkus nga ay regalo umano ito ng hotel para sa kanyang kaarawan. Ayon nga kay Ivana, ay may mga bagay siyang mas priority pagdating sa paggasta ng pera.

Sa Okada Manila rin naganap ang birthday photoshoot ni Ivana kung saan nga ay talagang lumutang ang kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan.

error: Content is protected !!