Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi Maraming Sikretong Ibinunyag Matapos Malasing sa Kanyang Vlog na “Never Have I Ever” Challenge

Ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi ay hindi napigilan ang sarili na ibunyag ang kanyang mga sikreto at mga karanasan magmula pagkabata matapos malasing sa kanyang latest vlog.

Credits: Ivana Alawi | Youtube

Nito lamang ika-11 ng Abril, nang ibahagi ni Ivana sa kanyang Youtube channel ang vlog na pinamagatang “Never Have I Ever”. Sa nasabing vlog ay kasama niya ang kanyang kapatid na si Hashim Alawi kung saan ay kanyang makakainuman. Ang challenge sa nasabing vlog, ay sasagutin nila ang bawat katanungan at kung sino sa kanila ang ginawa na ito, ay siyang iinom ng alak.

Pagbabahagi ni Ivana, ay ayaw ng kanyang ina na si Mommy Fatima na umiinom siya ng alak dahil nagiging wild raw siya kapag nalalasing. Ngunit, ngayon raw sa kanyang vlog magiging behave siya.

Sa pagsisimula ng kanilang pag-iinuman ang unang katanungan ay,”never have i ever cheated on my partner”. Agad namang sumagot si Ivana na kahit kailan ay hindi siya nagloko sa kanyang mga naging karelasyom dahil siya ang niloko.

Credits: Ivana Alawi | Youtube

Sa tanong naman na “never have i ever stolen money from a family member”, ay pareho ng napainom ng alak sina Ivana at Hashim. Ayon sa kwento ni Ivana, ay noong bata pa lamang siya ay kailangan umano niya ng panlaro sa computer shop kung kaya’t kumuha siya ng pera nang hindi nagpapaalam sa kanyang ina.

Sa kalagitnaan naman ng vlog ay biglang dumating si Mommy Fatima na agad pinagalitan ang dalawa sa maagang paglalasing ng mga ito. Ngunit, ilang sandali lamang ay dinalhan pa sila ng pulutan at tumabi rin sa mesa habang pinapanood ang kanilang pag-iinuman.

Ilan pa sa mga katanungan na nagpainom ng alak si Ivana ay,“never have i ever used a dating app”. Pag-amin ni Ivana ay may Tinder siya ngunit wala siyang matipuhan sa mga lalaki rito. Sa tanong naman na “never have i ever nagkaroon ng bisyo”, ay umamin naman si Ivana dati siyang naninigarilyo sa tuwing umiinom siya ngunit itinigil niya ito dahil nakakasama sa kalusugan at hindi rin nakakaganda.

Sa tanong naman na “never have i ever gotten blackout drunk” ay agad na uminom ng alak si Ivana. At mismong si Mommy Fatima naman ang nagkwento kung ano ang nangyari. Ayon nga rito, ay binigyan umano niya si Ivana ng mag-asawang sampal ngunit hindi umano ito nakaramdam ng sakit dahil sa sobrang kalasingan.

May sikreto ring nabunyag si Ivana, na hindi man kumain ng exotic food, ay kumain naman ito ng “exotic chocolate”, o kumain ito ng sarili niyang dumi na nasa arenola, at kinalat pa raw sa kanyang mukha nang abutan ito ng kanyang ina.

Credits: Ivana Alawi | Youtube

Mapapansin naman na habang tumatagal ay napapasarap ang kanilang kwentuhan at inuman, kung saan ay tumataas na rin ang tagay ng alak sa kanilang drinking glass. At ang pagiging makulit nga ni Ivana ay lumabas na dahil mukhang lasing na nga ito.

Bago nga matapos ang vlog ay kaunti nalang ang laman ng bote ng alak. Sa kanilang masayang bonding moments nga, ay maraming sikreto ang nabunyag. At dahil nalasing si Ivana, ay namahagi pa ito ng pera sa kanyang mga subscribers.

error: Content is protected !!