Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi, Kinagiliwan ng mga Netizen Matapos Mag-ala Sirena sa Loob ng Isang Araw sa Kanyang Latest Vlog

Muli na namang kinagiliwan ng kanyang mga tagahanga ang sikat na vlogger at aktres na si Ivana Alawi. Ito ay matapos niyang makaisip ng isa namang pakulo para mabigyan ng kaligayahan ang kanyang mga tagasubaybay.

Credit: Ivana Alawi | Youtube

Sa pagkakataong ito ay hindi prank o kaya naman ay surpresa ang naisip gawin ni Ivana kundi ang mag-ala sirena sa loob ng isang araw. Sa latest vlog ni Ivana na pinamagatang “Mermaid For a Day Challenge” na ibinahagi sa kanyang Youtube Channel nito lamang July 13, ay ipinasilip ng seksing aktres ang kanyang pagbibihis sirena, at kilos sirena sa loob ng isang araw.

Sa unang bahagi ng video ay mapapanood nga na kumatok sa pinto ng kanilang bahay si Ivana, at pinagbuksan naman ito ng kanyang kapatid na si Mona. Tila naman isang inosenteng dalaga si Ivana sa kanyang acting at sinabi na nagmula raw siya sa ilalim ng dagat.

Credit: Ivana Alawi | Youtube

Nakakatuwa naman ang naging reaksyon ni Mona sa inasal ng kanyang Ate Ivana. Maging ang ina ni Ivana na si Mama Alawi, ay natatawa na lang sa naisip gawin ng kanyang anak. Maya-maya nga ay niyaya na ni Ivana si Mona magtungo sa labas ng bahay upang maligo umano sa dagat na ang tinutukoy ay ang swimming pool sa kanilang tahanan.

At para naman makompleto ang awra ni Ivana para maging isang sirena ay nag-change outfit si Ivana mula sa kanyang suot na white dress sa isang mermaid custome. Ang isinuot nga ng aktres ay isang mermaid custome na may disenyong kulay green na buntot at sa itaas naman nito ay may disenyong kulay purple. Ang mermaid custome nga ni Ivana ay nahahawig sa karakter ni Ariel sa Disney animation film na “The Little Mermaid”. Binagayan naman ang kanyang suot ng kanyang kulot at mahabang buhok, na tulad ng buhok ng sirena na napapanood sa mga pelikula.

Credit: Ivana Alawi | Youtube

Hindi naman maikakaila na sadyang napakaganda ni Ivana sa kanyang mermaid custome. Litaw na litaw rin ang magandang hubog ng katawan ni Ivana na talaga namang napakaseksi sa kanyang suot.

Samantala, makikita naman ang husay ni Ivana sa paglangoy na kahit na masikip ang suot na costume ay nagagawa niya paring lumangoy ng maayos na tila nga isang sirena.

Ipinakita naman ng pamilya ni Ivana ang pagsuporta sa kanyang pagiging isang sirena sa loob ng isang araw. Makikita nga si Mama Alawi na binigyan pa ng damit na pantakip si Ivana sa kanyang katawan dahil baka raw magkasakit ito sa lamig.

Credit: Ivana Alawi | Youtube

Sa huling bahagi naman ng video ay mapapanood ang masayang bonding at kulitan ng pamilya ni Ivana sa pool kasama na ang kanyang kapatid na si Hashim at kasambahay nilang si KC. Napuno ng saya at tawanan ang vlog na ito ni Ivana habang nagkukulitan sila sa swimming pool.

error: Content is protected !!