Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi, Ipinasilip ang Pagbubukas ng mga Natanggap at Ibinili para sa Sarili na Regalo para sa Kanyang Kaarawan

Masayang ipinagdiwang ng aktres at social media star na si Ivana Alawi ang kanyang ika-24th birthday noong araw ng pasko, Disyembre 25, 2020. Naging double celebration ang espesyal na araw na ito kay Ivana, na bukod sa masayang pagdiriwang ng pasko, ay hindi rin matatawaran ang kaligayahang kanyang naramdaman sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Dahil nga, espesyal ang araw na ito, ay nagkaroon pa ng birthday photoshoot si Ivana kung saan ay talagang lumutang ang kanyang angking kagandahan at kaseksihan sa suot na mga gown.




Samantala, hindi naman maikakaila ang dami ng taong nagmamahal sa kanya. Maliban sa kanyang pamilya na palaging nasa tabi niya, ay may mga kaibigan at mga tagahanga rin si Ivana na walang sawang sumuporta at nagmamahal aa kanya. Kaya naman, sa pagsapit ng kanyang kaarawan ay nag-uumapaw sa dami na regalo rin ang kanyang natanggap mula sa mga ito.

Sa latest vlog ni Ivana na mapapanood sa kanyang Youtube channel, ay ipinasilip niya ang pagbubukas ng mga regalong ibinigay ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sa umpisa ng video, mapapanood na kumain muna si Ivana ng leche flan, at graham na gawa ng kanyang ina. May regalo rin itong gold bracelet para kay Ivana. Hindi rin nagpahuli ang kanyang Kuya Hashim sa pagbibigay ng regalo. At isang napakagandang sapatos ang ibinigay kay Ivana ng kanyang kapatid.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube




Samantala, tila kilalang-kilala naman ni Mona ang kanyang Ate Ivana, dahil talagang natuwa ito sa regalo niya. Alam ni Mona na mahilig sa kape ang kanyang ate, kaya naman niregaluhan niya ito ng transparent na baso na pwedeng ilagay ang mainit. Ngunit, ang higit na nagbigay kaligayahan kay Ivana ay ang regalo ni Mona na coffee maker.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

May natanggap ring regalo si Ivana mula sa kanyang mga kaibigan, tagahanga at shoppers kung saan nagbigay ang mga ito ng bulaklak, sapatos, bag at marami pang iba.

Hindi rin syempre nakaligtaan ni Ivana na regaluhan ang kanyang sarili. At ang inihandog ni Ivana para sa sarili ay mga sapatos na matagal na niyang gustong bilhin, na ngayon nga ay nasa kamay na niya. Napakaganda rin ng singsing na may disenyong diamond na regalo niya sa kanyang sarili na mula naman sa Luna jewelry by Drake Dustin.

Labis naman ang pasasalamat ni Ivana sa mga taong nagbigay ng regalo sa kanya na talaga namang nagustuhan niya.

error: Content is protected !!