Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi, Ipinasilip ang Napakagandang Disenyo ng kanyang Ipinapagawang Walk-in Closet sa Kanyang Latest Vlog

Talaga nga namang kahanga-hanga ang kabutihan ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi. Patunay nito nang mag-viral kamakailan ang pagtulong niya sa taong nagpaiyak sa kanya ng magpanggap siyang pulubi sa kanyang vlog.

Hindi naman maikakaila na dahil sa kanyang ginintuang puso, ay patuloy rin ang pagbuhos ng biyaya sa kanyang buhay. Kitang-kita naman talaga ang mga biyayang ito, magmula sa mga naipundar niyang ariarian.

Nasilayan na natin ang ilan sa mga ito na talaga namang deserve ni Ivana dahil sa kanyang pagsusumikap. Marami rin ang nais masilayan ang walk in closet ni Ivana, na ngayon ay hindi pa natatapos ang pagsasaayos nito.

Sa latest vlog ni Ivana, ay ipinasilip niya ang kanyang closet na ayon aktres ay dalawang taon ng nakatengga at hindi pa natatapos ang pagsasaayos dahil nga sa nagdaang pandemya, kung saan limitado lamang ang taong maaaring magtrabaho sa kanilang bahay.

x

Kaya naman, sa vlog na ito ni Ivana, ay siya mismo ang mag-eeffort na matapos ang paggawa ng kanyang walk in closet. Ipinakita nga ni Ivana ang kanyang walk-in closet na hindi pa tapos gawin at pinturahan. Para nga magsimulang magtrabaho, ay nagsuot pa ng kasuotang pang construction worker si Ivana.

Ibinahagi naman ni Ivana na ang kanyang walk-in closet ay idinisenyo ng UID architect and designer na talaga namang mahusay pagdating sa paggawa at pagdidisenyo ng bahay. Sa katunayan nga nito, ay ito rin ang nagdisenyo ng bagong bahay na ipapatayo ni Ivana.

Ipinakita naman ni Ivana ang disenyo ng kanyang walk-in closet na may kombinasyon ng white and gold colors. Ito talaga ang nais ng aktres dahil sa elegante umano itong tingnan, at talagang paborito niya ang gold.

Kasama rin ni Ivana ang mga kapatid niyang si Hashim at Mona sa pagpipintura ng pader gamit ang paint rollers. Pininturahan nila ng kulay puti ang pader na ayon kay Ivana, ay first coating pa lamang kaya ayos lang kung hindi pulido ang kanilang paggawa.

May patour rin si Ivana sa kanyang di pa natatapos na walk in closet. Inilibot ni Ivana ang mga viewers sa mga kabinet na paglalagyan ng kanyang mga kagamitan. Magmula sa lagayan ng damit, bags, sapatos at iba pa. Maging ang make up area, ay ipinakita rin ni Ivana ang disenyo na sadyang napakaganda at eleganteng tingnan.

Samantala, nangako naman ni Ivana na kapag natapos na ang pagsasaayos ng kanyang walk-in closet kung saan makikita ang finished product nito at masisilayan na ang disenyo nito, ay magkakaroon siya ng walk-in closet tour sa kanyang vlog.

Sa huli ay nagbigay pugay naman si Ivana at ipinaabot ang kanyang paghanga sa mga masisipag na construction worker na siyang dahilan kung bakit maayos at maganda ang kanilang bahay.

error: Content is protected !!