Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi Ipinasilip ang Masayang Bakasyon Nila ng Kanyang mga Kapatid sa Bansang Thailand

Masaya ang mamasyal at magbakasyon sa ibang mg lugar lalo na nga sa mga bansa na may mga ioinagmamalaking tourist destination, ngunit mas maganda at mas magiging masaya nga ang pamamasyal sa mga ganitong lugar kung kasama natin ang mga taong mahalaga sa atin, una na dito ang ating pamilya.

Tulad na nga lamang ng pinaka-updated na bakasyon at pamamasyal ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa bansang Thailand, kung saan hindi lamang nga siya mag-isa kundi kasama niya ang kanyang kapatid na sina Amira, Hashim at Mona sa pag-enjoy sa naturang lugar.

Sa pinakabagong vlog na ini-upload ni Ivana sa kanyanh YouTuBe channel na pinamagatan niyang ‘Trip to Thailand’ ay kanya ngang ibinahagi ang naging masayang bakasyon niya sa nasabing bansa kasama ng kanyang mga kapatid.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Mapapanood sa unang bahagi ng naturang vlog ang pagpapakita ni Ivana ng lugar na kanyang tinuluyan habang siy nga ay nasa bansang Thailand. Pagising nga ng actress-vlogger ay kaagad siyang nagoa-goodmorning sa kanyang mga viewers at ibinahagi rito ang morning routine niya bago nga umano siya lumabas ng kanyang tinutluyan upang sunduin ang kanyang kapatid na parating pa nga lang a Thailand ng araw na ‘yon.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Nang nasa sasakyan na nga si Ivana at kanyang mga kapatid na sina Amira, Hashim at Mona ay kaagad nilang pinag-usapan kung ano nga ba ang gagawin nila. Maririnig nga na saad ni Mona na kumain muna nga ang nais nito bago sila mag-shopping.

Masaya namang ibinahahi ni Ivana na a ‘floating market’ sila ng Thailand pupunta at doon sila kakain ng street foods na isa nga sa mga paborito niyang pagkain.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Samantala, mapapansin naman na hindi kasama nina Ivana ang kanilang ina na si Mommy Alawi, at ayon nga sa actress-vlogger ito ay dahil abala si Mommy nila sa pag-aasikaso ng negosyo nila at ito rin umano ang naiwanan na mag-aalaga at magbabantay sa anak ng kanyang ate Amira.

Makikita naman na ng makarating na sina Ivana at mga kapatid niya sa floating market ay talaga namamg enjoy sila sa pagbilinsa mga tindahan na naroroon habang sila nga ay nakasakay sa bangka. Makikita pa nga na ang unang binili ng nagkakapatid ay ang natural na buko juice at papaya salad. Bumili nga rin si Ivana ng prutas na rambutan sa isang tindera sa floating market sa Thailand.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Iba’t iba pa nga ang napamili nina Ivana at kanyang mga kapatid sa floating market, at talagang kitang-kita na in-enjoy nila ang experience nila na ito.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Pagkatapos nga ng kanilang experiece sa floating market ay isang restaurant naman ang kinainan ng magkakapatid kung saan nila susubukan nga ang kumain ng Thai food.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Pagbabahagi pa ni Ivana pgakatapos nilang kumain ay susunod naman nilang pupuntahan ang “Platinum mall” at ito umano ay ang parang Divisoria sa Thailand.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sa kabuuan nga ng vlog ni Ivana ay masasabi natin na talaga namang nag enjoy ang magkakapatid na Alawi sa kanilang naging experience sa Thailand.

error: Content is protected !!