Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi, Ipinasilip Ang Kanyang Napakagandang Office

Ang sikat na aktres at vlogger na si Ivana Alawi ay isa nga sa hinahangaan ng marami. Sa kanyang angking ganda at taglay na kaseksihan ay maraming nahuhumaling. Maliban dito, ay kilala rin si Ivana bilang matulunging tao.

Kaya naman, marami ang humahanga sa kanya sapagkat hindi lamang dahil sa kanyang angking ganda at angking talento sa pag-arte bagkus sa kabutihang loob na taglay niya.

Photo credits| Ivana Alawi | YT

Si Ivana ay isang simpleng babae lamang na nakaranas ng hirap sa buhay at minsan na ring inayawan, at pinanghinaan ng loob pero hindi sumuko bagkus nga ay ipinagpatuloy ang pag-abot sa kanyang mga pangarap.

Sa kanyang mga vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel, ay nasusubaybayan natin kung paanong nalagpasan lahat ni Ivana ang mga pagsubok hanggang sa makamit niya ang tuktok ng tagumpay.

Photo credits| Ivana Alawi | YT

Bagama’t malayo na ang narating ng seksing aktres ay hindi siya nakakalimot at bukas palad siyang tumutulong sa lahat ng nangangailangan. Ang aktres ay may lubos na pagmamahal at may respeto hindi lang sa kanyang pamilya kundi sa lahat ng kanyang nakikilala kaya’t bukod tanging pinagpala ang aktres.

Photo credits| Ivana Alawi | YT

Bukod sa kanyang napakagandang bahay ay marami na ring naipundar si Ivana na bunga ng kanyang pagsisikap. At kamakailan lamang nga sa kanyang latest vlog, ay ipinakita ni Ivana ang kanyang napakagandang office.

Ito nga ay bunga ng kanyang paghiharap at pagpupursige sa buhay. Nakapalinis at presentable ng kanyang mga kagamitan repleksyon ng kanyang pagkatao bilang babae. Makikita dito kung gaano na kalayo ang kanyang naabot sa kanyang buhay.

Photo credits| Ivana Alawi | YT

Kitang-kita rin na sa bawat sulok ng kanyang office ang nakakarelaks na vibes dahilan para makapagtrabaho siyang mabuti. Hindi rin naman maikakaila na ang abalang tulad niya, ay kailangan ng isang tahimik, maayos at magandang opisina.

Kaya naman, tiniyak ni Ivana na ang kulay at disenyo ng kanyang opisina ay naaayon sa kanyang panlasa. Masaya naman ang aktres, dahil ito’y nabigyang katuparan.

Photo credits| Ivana Alawi | YT

Tunay ngang ang pagiging isang successful ay hindi sa kung ano ang iyong natapos sa buhay kundi kung ano ang iyong kayang gawin at isakripisyo para makamit ang lahat ng iyong mithiin sa buhay.

At tulad nga ni Ivana na hindi lamang para sa kanyang sarili ang kanyang pagsisikap, kundi pati na rin sa kanyang pamilya at mga taong nagmamahal sa kanya.

Photo credits| Ivana Alawi | YT

Matatandaan na unang nasilayan si Ivana sa telebisyon matapos maging kalahok ng reality talent show ng GMA Network na Starstruck noong 2015. Bagama’t, nabigong makapasok sa Final Four, ngayon nga ay isa na siya sa pinakakilala at pinakasikat na artista sa showbiz. At ito ay kanyang nakamit sa pamamagitan ng kanyang sariling kakayahan at talento.

error: Content is protected !!