Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi, Ipinasilip Ang Kanyang Napakagandang All-White Kitchen

Si Ivana Alawi ay isang sikat na vlogger at aktres sa industriya ng showbiz. Marami ang talagang humahanga sa taglay na ganda at kaseksihan ni Ivana. Kinaaaliwan rin ng marami si Ivana dahil sa kanyang paghahatid ng goodvibes sa kanyang mga vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel.

Photo Credits to the owner

Katulad na lamang nga ng pagpapasilip niya kamakailan ng kanyang napakagandang kitchen na siya mismo ang nagdisenyo. Pag-amin ni Ivana, ay mahilig siyang magluto kung kaya’t naisipan niya ngang baguhin ang disenyo ng kusina sa kanilang bahay

Kwento ni Ivana, ay mas magaan sa kanyang pakiramdam kung sa tuwing magluluto siya ay makikita niyang nakaayos at malinis ang makikita niya sa paligid ng kusina. Kaya naman, isang napakagandang all-white kitchen ang masisilayan ngayon sa kanilang tahanan.

Photo Credits to the owner

Ibinahagi ni Ivana na nagpasya talaga siyang purong kulay puti, at may disenyong marble ang kanyang kusina upang malinis itong tingnan. Bagama’t, mahilig si Ivana sa gold, ay hindi na siya naglagay ng gold dahil hindi naman ito babagay sa disenyo ng kusina.

Samantala, mapapansin nga na malinis at walang nakakalat na gamit sa bagong kusina ni Ivana. Ito nga ay dahil lahat ng kasangkapan sa kanyang kusina ay nakatago sa kabinet. Ang napakarami ngang kabinet ay talagang ipinasadya ni Ivana para marami ang kanyang mailagay na kagamitan.

Photo Credits to the owner

Isa-isa ngang ipinasilip ni Ivana ang laman ng bawat kabinet. At makikita nga na maayos na nakasalansan ang mga ito depende sa klase at gamit ng bawat kasangkapan. Makikita rin na ang mga kagamitan tulad ng plato, platito ay purong puti. At ayon nga sa aktres, ay talagang paborito niya ang kulay puti. Siyempre hindi rin mawawala ang paborito niyang butterfly at gold na disenyo sa kanyang plato.

Photo Credits to the owner

Samantala, ang mga sangkap naman sa pagluluto ay makikitang nakalagay sa kani-kanilang lagayan na may mga label rin para agad malaman kung ano ito. Ipinakita rin ni Ivana ang hightech na kabinet kung saan  talagang natuwa ang aktres dahil naibababa ito at hindi na kailangang gumamit ng upuan para kunin ang kanyang kailangan.

Photo Credits to the owner

Ipinakita rin ni Ivana ang laman ng pantry kung saan nga nakalagay ang kanyang mga paboritong finger foods. Dahil nga talagang matakaw si Ivana sa pagkain ay hindi naman niya nakakalimutan ang pag-inom ng tea araw-araw.

Photo Credits to the owner

Ang refrigerator naman ay aakalain na isa ring kabinet, ngunit sa pagbukas nga nito ay bubungad ang mga laman ng ref na talaga namang nakaorganize ayon sa klase. Magmula sa prutas, gulay at iba pang pagkain ay may sariling lagayan.

Photo Credits to the owner

Napakaganda nga at napakalinis tingnan ng kitchen ni Ivana. Walang duda na talagang naeenjoy niya ang bawat oras na siya’y magluluto ng mga paborito niyang pagkain.

error: Content is protected !!