Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi, Ipinasilip Ang Ginawang Paghahanda Sa Kanyang Bonggang Birthday Photoshoot, Nagmistulang Dyosa Ng Kagandahan

Noong nakaraang Disyembre 25, ay masayang ipinagdiwang ng aktres at sikat na vlogger na si Ivana Alawi ang kanyang ika-25 taong kaarawan. Para nga sa mapagpala at espesyal na araw na ito ni Ivana, ay hindi nawala ang kanyang birthday photoshoot.

Credits: Ivana Alawi | YT

Nito lamang ika-25 ng Disyembre nang ibahagi ni Ivana sa kanyang YouTube channel ang kanyang vlog na naglalaman ng kanyang pasilip sa ginawa niyang paghahanda para sa kanyang birthday photoshoot.

Kung matatandaan, noong nakaraang taon ay lumutang ang taglay na kagandahan ni Ivana suot ang iba’t ibang klase ng gown. Ngunit, ngayong taon ay mas ginawang espesyal ni Ivana ang kanyang 25th birthday dahil maliban sa kanyang birthday photoshoot ay nagkaroon rin ng family photoshoot kung saan kompleto ang kanilang pamilya.

Credits: Ivana Alawi | YT

Ayon kay Ivana, ang birthday photoshoot niyang ito ay “dream shoot” dahil ang tema nga nito ay kombinasyon ng kanyang mga paboritong kulay at elements tulad na lamang nga ng gold, white, butterflies at Swarovski.

At dahil nga espesyal ang araw na ito, ay hindi pinalampas ni Ivana ang pagkakataon na ipasilip sa kanyang mga tagahanga ang kanyang paghahanda sa kanyang birthday photoshoot. Kasama ang kanyang glam team and shoot team, ay nagtungo sila sa Okada Manila at Cove Manila para gawin ang sixth-lay out photo shoot. Sa birthday photoshoot na ito ni Ivana, ay talaga namang mapapabilib ang marami sa taglay niyang kagandahan at kaseksihan.

Credits: Ivana Alawi | YT

Tila nga isang dyosa ng kagandahan si Ivana na ubod ng seksi sa kanyang mga suot. At bilang isang “hubadera” nga, ay hindi binigo ni Ivana ang kanyang mga fans na masilayan ang taglay niyang kaseksihan.

Masayang-masaya rin si Ivana dahil sa unang pagkakataon ay nakompleto ang kanilang pamilya sa para sa isang family photoshoot. Nakasama nga ni Ivana ang kanyang ina na si Fatima Alawi, at mga kapatid na sina Amira, Hashim at Mona. Sa kanilang all-white themed family photoshoot ay talaga namang napakagandang pagmasdan ng kanilang pamilya.

Credits: Ivana Alawi | YT

Ang dream birthday photoshoot na ito ni Ivana ay nabigyang katuparan sa tulong ng celebrity photographer BJ Pascual. At ang kanyang kahanga-hangang kagandahan ni Ivana ay nakamit sa tulong naman ng kanyang glam team na binubuo ng makeup artist na si Jelly Eugenio, hairstylist na si Renz Pangilinan, at fashion stylist na si Adrianne Concepcion. Ang kanyang magagandang kasuotan naman ay disenyo ng designer na si Jot Losa. Pagdating naman sa disenyo ng set ay si Aren Santos of AdSet ang nagbigay kulay.

Sa sunod-sunod naman na pagbahagi sa social media ni Ivana ng kanyang napakaganda at napakaseksing larawan, ay agad itong inulan ng pagbati sa kanyang kaarawan, at bumuhos rin ang komento na puno ng paghanga mula sa mga netizens.

error: Content is protected !!