Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi, Ibinahagi ang Kaniyang Artista Life sa Masbate

Ilang linggo na nga ang nakararaan nang huling maglabas ng vlog ang kilalang aktres at vlogger na si Ivana Alawi. Bagamat nakapagbahagi ang aktres ng ilang litrato ng kaniyang pagiging “island girl”, siguradong pinakahihintay rin ng mga subscribers ang kaniyang nakakaaliw na vlogs.
Sa kaniyang latest vlog, ibinahagi ng aktres na kasalukuyan itong namamalagi sa isang isla sa Masbate para sa kaniyang pinakabagong teleserye.

Photo credits| Ivana Alawi | YT

Ayon kay Ivana, talagang natuwa siya sa buhay-probinsya sa islang ito, hindi lamang dahil sa kagandahan at katahimikan ng lugar, kundi dahil na rin sa kabutihang-loob ng mga taga-roon. Ibinahagi rin ng aktres ang ilan pa sa kaniyang adventures sa isla.

Photo credits| Ivana Alawi | YT

Kwento pa ni Ivana, isa sa kaniyang paboritong gawain sa isla ay ang pagsakay sa kabayo sa isang lokal na farm. Enjoy na enjoy rin si Ivana sa napakagandang view ng lugar partikular na ang view mula sa resort na kanilang tinutuluyan.

Photo credits| Ivana Alawi | YT

Dahil dito, kahit pagod na pagod sa kanilang taping ay nakapag-relax din umano ang aktres sa loob ng ilang linggo nilang pamamalagi rito. Bukod sa kagandahan ng lugar, mababait rin daw ang mga tao kaya naman walang dudang gusto niyang bumalik sa lugar.

Photo credits| Ivana Alawi | YT

Dahil rin sa ganda ng kaniyang naging karanasan, hindi naiwasan ni Ivana na balikan ang kaniyang mga naging karanasan noong mga panahong hindi pa siya nakikilala.

Photo credits| Ivana Alawi | YT

Ngayon nga ay labis ang kaniyang pasasalamat lalo na sa kaniyang mga taga-suporta.
Kaugnay nito, nagkaroon din ng pagkakataon ang aktres na sandaling makasalamuha ang ilang fans na mapapansing tuwang-tuwa nang makita ang isa sa pinakasikat na vlogger at aktres sa bansa.

Photo credits| Ivana Alawi | YT

Ang ilang fans naman ay nagkomento sa vlog na ito ni Ivana. Ayon sa isang netizen, nagpapasalamat sila na napansin ng isang kilalang personalidad ang ganda ng kanilang tahimik na lugar kaya naman nais nilang makabalik si Ivana rito kasama ang kaniyang buong pamilya.

Ang ilan pa sa mga netizens ay inimbitahan ang vlogger sa kanilang sariling lugar. Pinuri din ng ibang fans ang pagiging mapagpakumbaba ni Ivana at ang kaniyang kabutihan sa ibang ordinaryong tao. Dahil sa good vibes na vlog ni Ivana, mayroon nang 2.4 million views at 129,000 likes ang vlog na ito.

error: Content is protected !!