Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi, Hindi Napigilang Madismaya Matapos Ma-prank at Gumastos ng Halos P400,000 sa Who’s Gonna Pay Challenge nila ni Hashim

Ang inakalang masayang challenge na “Who’s Gonna Pay” sa latest vlog ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi, ay nauwi sa isang prank na ikinasama ng kanyang loob.

Nito lamang ika-18 Hunyo, ay ibinahagi ni Ivana sa kanyang Youtube Channel ang vlog “Who’s Gonna Pay” challenge, na lingid sa kanyang kaalaman na mapaprank pala siya ng kanyang kapatid na si Hashim na kasama niya sa nasabing challenge.

Sa nasabing challenge ay lalabas sila upang magtungo sa mall upang mamili at kung sinong pangalan ang mabunot kina Ivana at Hashim ay siyang magbabayad gaano man karami ang kanilang pinamili. Dahil matagal na rin silang hindi nakakalabas, ay nais sulitin ni Ivana ang mga sandali para maipasyal at maipag-shopping ang kanilang ina na si Mama Alawi.

Sa unang bahagi ng video, ay makikita na isinulat ni Hashim at Ivana ang kanilang mga pangalan sa isang papel. Pagkatapos ay inihulog nila ito sa isang kahon, at kung sinong pangalan ang mabunot ng cashier ay siya ang magbabayad ng mga pinamili.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Bago naman mag-enjoy sa pamamasyal at shopping, ay kumain muna sina Ivana sa isang restaurant. Dahil ayon kay Ivana, ay swerte siya kapag nabubusog. Hindi nga nag-atubiling umorder ng maraming pagkain si Ivana. Inasar pa nito si Hashim na kumain ng kumain, at umorder pa para hindi masakit sa loob nito kapag magbabayad na. Ngunit, sa unang salang pa lang ng pagbunot ng cashier sa kahon, ay pangalan agad ni Ivana ang lumitaw. At si Ivana nga ang nagbayad ng kanilang bill ng pagkain na halos umabot ng P10,000.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sumunod naman, ay nag-shopping na ang mag-iina. Makikita nga na napakarami nilang pinamili lalo na si Mama Alawi na may pahahol pa. At muling nabunot ang pangalan ni Ivana, at binayaran ang bill na umabot ng P38,000. Samantala, makikita naman ang pagkadismaya sa mukha ni Ivana, ngunit masaya naman siya para sa kanyang ina.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Nang mga sumunod, ay kung anu-ano na nga ang ginawa ni Ivana para swertehin upang hindi siya ang magbayad. May pasayaw-sayaw at medidate pa siya ngunit sa huli ay siya parin ang nagbayad ng lahat. Si Ivana ang nagbayad sa bill ng bumili ng mga tsinelas na umabot ng P11,000.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Medyo nagtataka naman si Ivana kung bakit siya palahi ang nabubunot. Ngunit, nang bumili ng milktea ay si Hashim na ang nagbayad. Kung kaya’t, hindi nga nahalata ni Ivana ang prank ni Hashim. Kahit nang magtungo sila sa jewelry store na umabot ng daang-daang libo, ay si Ivana parin ang nagbayad.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Nang nasa bahay na sila, ay doon naman sinabi ni Hashim, Mama Alawi at KC na prank lamang kung bakit siya ang nagbayad ng lahat. Dito nga ipinaliwanag ni Hashim na bago umalis ng bahay, ay kinausap niya ang may dala ng box na si KC na alisin ang pangalan niya at palitan ito ng pangalan ni Ivana na nakahanda na. Ibig sabihin lamang nga nito, ay pangalan lahat ni Ivana ang laman ng kahon. Ito nga ang dahilan kung bakit puro pangalan ni Ivana ang nabubunot.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Hindi nga naiwasan ni Ivana na ipakita ang kanyang pagkadismaya kina Hashim, Mama Alawi, KC at maging sa kanyang editor. Dahil nga, hindi inaasahan ni Ivana na mapaprank siya, ay nangako naman si Ivana na gaganti siya sa mga ito.

error: Content is protected !!