Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi Bumili ng Lamborghini, Mommy Fatima Galit na Galit, Mona Hinangaan ng mga Netizens sa Naging Reaksyon

Ngayong panahon ng pandemya ay marami ang nangangailangan ng tulong dahil sa kawalan ng trabaho at hanapbuhay. Kaya naman sa mga ganitong pagkakataon, ay dapat nating isaalang-alang ang kalagayan ng bawat isa. At dapat nga na ilagay natin sa tama at kung maaari ay itulong na lamang ang pera na meron tayo sa mga nangangailangan.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na pagdating sa pagtulong ay hindi nagpapahuli ang sikat na vlogger at aktres na si Ivana Alawi. Ngunit, ngayong panahon ng pandemya, ay isang prank ang kanyang ginawa sa kanyang pamilya na talagang ikinagalit ng mga ito. Ito nga ay matapos niyang ipakita ang isang mamahaling sports car sa kanyang pamilya na buong akala ng mga ito ay binili niya.

Ayon naman kay Ivana ay bibili siya ng sports car pagdating ng panahon kapag nakapagpatayo na siya ng bahay ng kanyang ina at dalawang kapatid.

Sa latest vlog nito lamang ika-18 ng Abril, ay isang prank ang naisip gawin ni Ivana na talaga namang nagbigay ng pagkadismaya sa kanyang kapatid na si Mona at inang si Mommy Fatima. Sa vlog na pinamagatang “New Car Prank”, ay ipinasilip ni Ivana ang reaksyon ng kanyang pamilya nang makita ang bago at mamahaling sports car.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Bungad ng vlogger sa video, ay nahihirapan na siyang mag-isip ng prank sa kanyang pamilya lalo na nga’t kasama niya ang mga ito sa bahay kung saan ay agad siyang nabubuko. Kaya naman humingi siya ng tulong sa kanyang kaibigan na si Raymond Ronquillo na nagbebenta ng mga mamahaling sports car.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sa pagsisimula ng vlog ay nagkukunwari na si Ivana sa pag-shoot ng video kanyang “new car reveal”. Maya maya nga ay sumilip ang kapatid nitong si Hashim Alawi, na inakalang sa kanya ang sports car. Agad namang sinabi ni Ivana na hindi ito sa kanya at gagamitin lang niya ito sa kanyang prank. Natuwa naman si Hashim na talagang excited sa napakaganda at napakagarang sports car at sinubukan pa nga itong sakyan at paandarin.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Nakatikim naman ng sermon si Ivana sa kanyang kapatid na si Mona nang makita ang mamahaling sports car. Sa murang edad nga ni Mona ay parang matanda na ito mag-isip kung saan ay mas iniisip kung ano ang nakakabuti. Ayon nga rito, ay hindi dapat bumili ng sasakyan si Ivana ngayong panahon ng pandemya.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

At ang pera nga na ginastos umano ni Ivana ay itinulong na lamang sana sa mga nangangailangan. Nang sabihin ni Ivana na nagkakahalaga ito ng P11.5 Million, ay mas lalong nadismaya si Mona. Dahilan nga, upang hindi ito sumang-ayon at sumunod sa nais ni Ivana na magkunwaring masaya sa kanyang vlog. At nang sabihin ni Ivana at Hashim na prank lamang ito ay doon lang ito tumawa na talagang natuwa dahil hindi pala sa ate niya ang sasakyan.

Hindi lamang sermon ang inabot ni Ivana sa kanyang ina na si Mommy Fatima kundi nakatikim rin ng bagsik ng galit nito si Ivana. Matapos makita ang nakaparadang red Lamborghini ay hindi na agad maipinta ang mukha nito. Sa una pa lang nga ay pinagalitan na nito si Ivana na hindi siya dapat bumili ng mamahaling sasakyan ngayon dahil nga maraming nangangailangan ng tulong sa gitna ng pandemya. Ayon nga rito, ay hindi ito ang tamang oras para bumili ng sports car. Dahil nga rito ay bigla na lamang itong nagwalk-out at pumasok sa loob ng bahay. Tinapos naman ni Ivana ang kanyang kunwaring new car reveal vlog, para magmukhang makatototanan.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Umabot rin sa punto na tinawagan ni Ivana ang “nagbenta” sa kanya ng sasakyan upang iparefund. Ngunit, sa huli nga ay hindi ito narefund dahil ayon sa “nagbenta” ay 50% lamang ang maibabalik sa ibinayad na pera ni Ivana, bagay na mas lalong ikinagalit ni Mommy Fatima.

Sa huli nga nang sabihin ni Ivana ang mahiwagang salita na “It’s a prank”, ay hindi parin ito napatawa at nasa mukha parin ang pagkadismaya. Nakatikim naman ng palo si Ivana mula sa kanyang ina dulot ng inis dahil kakagising lang umano nito.

Isang matagumpay na prank na naman ang nagawa ni Ivana sa kanyang pamilya na ang buong akala ng mga ito ay hindi na niya magagawa.

error: Content is protected !!