Connect with us

Entertainment

Ivana Alawi, Binigyang Kasiyahan at Pinakilig ang Kanyang Kapatid na si Hashim Matapos Supresahin sa Kanyang Vlog Kasama si Donnalyn Bartolome

Hindi lamang nga saya ang hatid ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi sa kanyang mga tagahanga sa kanyang latest vlog, kundi nag-uumapaw rin sa kilig. Ito nga ay matapos surpresahin ni Ivana ang kanyang kapatid na si Hashim.

Napakasarap naman talaga sa pakiramdam na makita at makasama si “Crush”. Ngunit, paano pa kaya kapag ang pinakamamahal na Crush, ay makita at makasama sa loob mismo ng sariling bahay? Tiyak na hindi maipaliwanag na kilig ang mararanasan kapag nangyari ito. At ganito nga ang saya at kilig na hatid ni Ivana sa kanyang kapatid na si Hashim Alawi dahil sa kanyang surpresa.




Matatandaan na sa isang vlog ay inamin ni Hashim na malaki ang paghanga niya sa singer at vlogger na si Donnalyn Bartolome. At dahil nabunyag ang sikretong ito ni Hashim, ay nakaisip na naman si Ivana ng paraan upang surpresahin at mapasaya si Hashim.

Sa vlog ni Ivana na “Yaya For A Day + Surprising Bro With Donnalyn”, ay ipinasilip ni Ivana ang reaksyon ng kanyang kapatid na si Hashim kung gaano ito kasaya at kakilig nang makita ang kanyang crush na si Donnalyn.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sa nasabing vlog nga, ang gagawin ni Ivana ay magiging Yaya sa loob ng isang araw kung saan ay may inihandang mga gawain si Hashim na nakasulat sa isang papel. Ipinaghanda rin ni Hashim si Ivana ng uniform ng isang yaya upang makompleto ang kanyang outfit.

Nagsimula na ngang pagsilbihan ni Ivana ang kanyang pamilya, sina Mona, Hashim at Mommy Alawi. Ngunit, lingid sa kaalaman ng mga ito ay may inihanda siyang surpresa. At upang makunan ang reaksyon ni Hashim, ay ipinaalam niya kay Mona ang plano niyang pakikipag-collaborate kay Donnalyn, at pagbisita nito sa kanilang tahanan bilang isa ring “Yaya”.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Laking gulat nga ni Hashim nang makitang nasa loob ng kanilang tahanan ang kanyang crush na si Donnalyn. Abot langit ang ngiti nito, at hindi rin maitago ang kilig na nag-blush pa ang mukha sa sobrang kaligayahan.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Dahil nga sa biglaang pagdating ni Donnalyn, sa halip na ituloy ang pagiging yaya ni Ivana, ay biglang nagbago ang ihip ng hangin at si Hashim na ang naglipit, at naghugas na tila ba nagpapakitang gilas kay Donnalyn. Hindi rin pinatrabaho ni Hashim si Donnalyn at ito na ang umako ng mga dapat gawin.

Ngunit, makikita naman na tinapos parin ni Ivana at Donnalyn ang challenge na maging “Yaya for a day”. At sa bawat gagawin nga ni Donnalyn, ay talagang inaagaw ito ni Hashim na kung saan ay todo pa rin ang pagkakangiti habang nakatingin sa kanyang crush.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Talaga nga namang nakakakilig ang bawat eksena sa loob ng tahanan nina Ivana, habang naroon si Donnalyn. Pag-amin naman ni Hashim, ay si Donnalyn ang kauna-unahan niyang crush, na bagama’t, hindi nakafollow sa Instagram, ay madalas naman niyang i-stalk.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Makikita naman na talagang nag-enjoy ang bawat isa, sa vlog na ito ni Ivana kasama si Donnalyn. Hiling pa nga ni Hashim, ay sana maulit pa ang collab ni Ivana at Donnalyn sa bahay nila.




Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Kinagiliwan at kinilig rin ang mga netizens sa surpresang hatid ni Ivana sa kanyang kapatid na si Hashim. At ngayon nga, ay umabot na ng 3.7 Million views ang nasabing vlog ni Ivana na mapapanood sa kanyang Youtube Channel.

error: Content is protected !!