It’s Showtime host, Kuys Vhong Navarro Ipinasilip ang Kanyang mga Mamahaling Koleksyon ng mga Laruan

Ang mundo ng showbiz ay sadyang napakalawak para sa isang indibidwal upang hubogin ang kanyang pagkatao at talento. Maswerte ka kung lumaki ka sa isang mayamang pamilya kung nagsisimula ka pa lamang dito.

Ang ilan namang galing sa mahirap na pamilya ay sadyang nagsusumikap sa tulong narin sipag at determinasyon nila sa kanilang sarili upang maabot ang kanilang mga pangarap na minimithi. Sa kabila ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap ay nagagawa parin nilang lagpasan anuman ang hirap nito alang-alang sa kanilang pangarap at pamilya.

Photo Credit: Vhong Navarro Instagram

Sa mundo ng showbiz, iba’t iba rin ang gustong tahaking landas ng bawat isa na nakadepende sa kakayahang kaya nilang gawin. O kaya naman ay kung ano ang hilig na nakakapagpasaya sakanila. Kagaya na lamang ng TV host ng programang “It’s Showtime” na si Vhong Navarro na nasa larangan ng pagpapatawa kung saan siya ay nagpapasaya at nagbibigay aliw sa mga manonood. Noong nagsisimula palang siya sa showbiz ay nakitaan na siya ng talento sa larangan ng komedya o pagpapatawa.

Ngunit hindi natin akalain na nakakaranas din pla siya ng kalungkutan sa kabila ng kanyang talento sa pagpapatawa. Ayon sa kanyang panayam sa Kapamilya Program na Rated K,nakaranas umano siya ng depression ng magkasakit at mamatay ang kanyang ama noong 2017. Lubos syang nahirapan na tanggapin ito na halos hindi na siya makapasok sa kanyang trabaho. Dahil sa kanyang sobrang kalungkutan kahit anuman ang gawin nya,saan man siya magpunta ay naaalala parin nya ang kanyang yumaong ama.

Pero sa kabila ng kanyang nararanasang ito ay may isang bagay na nakatulong sakanya upang maibsan ang kanyang kalungkutan at pangungulila sa kanyang ama. Ito ay ang pangongolekta ng mga mamahaling laruan na tinatawag na Bearbricks toys, isang “Japanese collectible toys”.

Photo Credit: Vhong Navarro Instagram
Photo Credit: Vhong Navarro Instagram
Photo Credit: Vhong Navarro Instagram
Photo Credit: Vhong Navarro Instagram

Ibinunyag nya na meron na syang mahigit 100 piraso ng Bearbricks na kanyang nakolekta at patuloy pa nyang pinapalago ang mga ito. Ito ay dinesenyo at ginawa ng isa sa mga kumpanya ng laruan sa Japan,ang MediCom Toy Incorporated.

Ilan sa mga ito ay nagmula sa Star Wars,Teenage Mutant Ninja Turtles, Sesame Street,Kingsman,Coco,Looney Tunes,The Muppets and Planet of the Apes,Garfield,Mr. Incredible,The Rocketeer,Pennywise at maging ang batikang mang-aawit sa larangan ng musika na si Michael Jackson ay mayroon din siya.

Photo Credit: Vhong Navarro Instagram
Photo Credit: Vhong Navarro Instagram
Photo Credit: Vhong Navarro Instagram
Photo Credit: Vhong Navarro Instagram

Ilan naman sa mga bago nyang dagdag koleksyon ng kanyang mga laruan ay ang mga sumusunod,Taxi Driver, Muhammad Ali, Shazam, Marilyn Monroe,Chucky, Jigsaw at iba pang tauhan sa Star Wars, R2D2, C3PO, Darth Maul, at Darth Vader. Marami sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta ay namangha nang makita ang tulad ng isang kamangha-manghang mga koleksyon ng kanilang iniidolong artista.