Connect with us

Entertainment

It’s Showtime Host Jhong Hilario, Soon-to-be Daddy na sa Panganay na Anak nila ng Kanyang Non-showbiz Girlfriend

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang “It’s Showtime” host na si Jhong Hilario nang ihatid ang magandang balita sa kanyang mga tagahanga. Nito lamang araw ng Huwebes, ika-26 ng Nobyembre nang ianunsyo sa Instagram ni Jhong at ng kanyang long time non-showbiz girlfriend na si Maia Leviste Azores, na sila’y magkakaroon na ng anak.




Sa Instagram masayang ibinahagi ng Sample King ang magandang balita gamit ang hashtags #SamplePrince, #SamplePrincess, at #Soon sa caption ng post ng kanyang post. Mababakas ang saya at pagkasabik ni Jhong sa kanyang post bilang isang soon to be daddy. Labis naman ang pasasalamat ni Jhong sa Diyos, at “Thank you Lord” ang una nitong sambit sa kanyang caption.

“Thank you Lord.! ?❤? #SamplePrince or #SamplePrincess #Soon”

Ang naturang post ay nilakipan naman ni Jhong ng isang larawan kung saan makikitang magkasama silang dalawa ng kanyang girlfriend sa isang dalampasigan habang kita ang nakaumbok nitong baby bump.

Samantala, gamit kaparehong larawan, ay masaya ring inanunsyo ng long time girlfriend ni Jhong na si Maia ang kanyang pagbubuntis sa Instagram. Sa naturang post rin ay may ilang larawan na kuha sa masaya nilang bakasyon. Bukod nga sa magandang tanawing hatid ng kanilang kinaroroonan, ay kitang-kita rin ang matamis na ngiti sa mga labi ng magkasintahan.

Photo credits: Jhong Hilario | Instagram

Marami naman ang agad na nagpakita ng pagsuporta sa soon-to-be parents at nagpaabot ang mga ito ng pagbati para sa biyayang ipinagkaloob sa kanilang buhay. Kabilang na nga rito ang mga kasamahan ng TV host na si Jhong sa It’s Showtime na pinangunahan nina Anne Curtis, Vhong Navarro, Kim Chiu, Amy Perez, Jugs Jugueta, Ryan Bang, at Ion Perez.




Hindi naman maikakaila na talagang subok at matatag na ang samahan nina Jhong at girlfriend nito. Sa katunayan nga nito, ay nagdiwang ang magkasintahan ng kanilang 9th anniversary noon lamang buwan ng Hulyo.

Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng marami ang layo ng agwat ng edad ng dalawa sa isa’t isa. Si Jhong ay 44 taong gulang na, samantalang si Maia ay 29 taong gulang lamang. Ngunit, ang 15 taong agwat sa kanilang mga edad ay hindi naging hadlang upang iparamdam ang pagmamahal sa isa’t isa.

Photo credits: Jhong Hilario | Instagram

Matatandaan na noong taong 2014 nang ibunyag ni Jhong ang kanilang relasyon sa publiko. At pag-amin nga nito, ay hindi madali ang kanyang pinagdanaan upang makuha ang tiwala at pahintulot ng mga magulang ni Maia sa kanilang relasyon. At nang mapatunayan nga ang kanyang mabuting intensyon, ay wala ng nakapigil pa ipakita sa buong mundo kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

“Ito kasi ‘yong babaeng ipinaglaban ko talaga kahit sinabing hiwalayan na. Mali ko lang din kasi nag-aaral pero no’ng nalaman ng family na ako ‘yong boyfriend, and siyempre dumaan sa masusing pag-iimbestiga ‘yan, kung ako ba ‘yong Gary sa Mara Clara, pero na-prove ko naman sa kanila na malinis ang intensyon ko.”

 

error: Content is protected !!