Connect with us

Entertainment

‘It’s Official’ Celebrity Couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola Ikinasal na, Video at mga Larawan ng kanilang Naging Kasal, Ibinahagi nila

It’s Confirmed and Official, Kasal na ang long time na magkasintahang si Jessy Mendiola at Luis Manzano, sa ipinost ni Jessy sa kanyang Youtube channel, ibinahagi niya ang kanilang naging intimate wedding sa isang video kung saan ipinakita ang sweet at nakakatawang palitan ng wedding vow nilang dalawa.

Naging pribado ang kanilang kasal na tanging malalapit lang na kaibigan at kapamilya ang naging imbitado. Makikita din ang ina ni Luis na si Vilma Santos at kanyang Ama na si Edu Manzano.

Makikitang naging emosyunal si Luis ng makita ng naglalakad si Jessy suot ang isang simpleng puting ankle legnth dress na ginawa ni Patricia Santos habang si luis naman ay nakasuot ng kanyang Pastel Pink Coat na dinesenyo naman ni Rex Atienza at Jay Sarmiento.

Ayon sa Pep.ph ang couple na ngayon ay official na mag-asawa na, na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola ay ikinasal sa isang pribadong resort sa Lipa Batangas ang The Farm in San Benito, kung saan makikita na iilan lang ang kanilang guest at halos lahat ay kapamilya lang at malalapit na kaibigan.

Matatandaan na inanunsyo ng nila Jessy at Luis ang kanilang naging engagement last December 12, 2020.

Ipinasilip din nila ang kanilang naging prenup video nila sa napakagandang isla ng Amanpulo, Palawan.

Maliban sa pag post ni Jessy sa kanyang youtube channel, ay nag post din ito ng mga larawan sa kanyang instagram account at isa sakanyang post ay may caption na

“Officially Mrs. Manzano.❤️”

Samantala sa Instagram account naman ni Luis, makikita ang black and white picture kung saan makikita ang kanilang mga kamay na magkahawak habang suot suot ang kanilang wedding ring na may caption na,

“link in bio”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Congrats Luis and Jessy!

error: Content is protected !!