Connect with us

Entertainment

‘It’s Never Too Late’: Aiko Melendez, Hinangaan ng Publiko sa Kanyang Fit and Young Looking Pictures

Agaw-pansin sa social media ang ibinahaging larawan ng aktres na si Aiko Melendez nito lamang Martes, ika-15 ng Hunyo. Bagets na bagets at fresh na fresh kasi ang awra ng 45 taong gulang na aktres sa kanyang selfie photo.

Ang kanyang fit and young-looking photo, ay hindi inaasahan ni Aiko na agad na mapapansin ng mga netizens at mga kaibigan niya sa showbiz. Matapos nga masilayan ang napakalaking pagbabago sa kanyang katawan, ay inulan ng positibong komento ang kanyang post. Sa katunayan nito, dahil sa sobrang batang tingnan, ay marami ang nag-akalang ang 14 taong gulang na anak ni Aiko na si Marthena Jickain ang nasa larawan.

Photo credits: Aiko Melendez | IG

Ang lakas makahighschool ng dating na larawan ni Aiko kung saan nakasuot siya ng isang blue shirt, denim shorts, na pinaresan ng rubber shoes at ang kanyang mga buhok naman ay naka-clip sa kabilang side. Ang napakagandang larawan ni Aiko na kanyang ibinahagi sa Instagram ay nilakipan niya ng caption kung saan ay pinasalamatan niya ang sponsor ng suot-suot na damit na talagang nagustuhan niya.

“always loving simple and comfy clothes”

Ang aktres na si RR Enriquez ay nagkomento ng “Wow akala ko si baby girl mo!”

“Fresh”, komento ni Lara Quigaman

“Batang-bata,”saad naman ni Gladys Reyes.

Photo credits: Aiko Melendez | IG

Dahil nga sa mga nakakataba sa pusong mga papuri mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz at mga tagahanga, ay isa namang post ang ibinahagi ni Aiko para naman pasalamatan ang mga taong nagpakita sa kanya ng suporta. Sa naturang post rin, ay ibinunyag ni Aiko ang kanyang sekrito sa kanyang fit and younger-looking glow.

“Thank you for making me trend yesterday and for the wonderful comments,”panimula ni Aiko.

Photo credits: Aiko Melendez | IG

Nakatag na rin sa kanyang post ang kanyang mga sponsor na dahilan para maachieve ang kanyang pagbawas ng timbas upang maging fit at younger-looking. Maliban dito, ay nabanggit rin ni Aiko na may delivery food siyang kinuha na tanging mga keto at vegetarian ang mga pagkain.

Photo credits: Aiko Melendez | IG

Dagdag pa ng aktres, maliban sa healthy diet, ay sinasamahan rin niya ito ng regular exercise sa kanilang bahay at umiinom ng cacao drink. Bumibisita rin siya paminsan-minsan sa beauty clinic. Ito nga ang sikreto ni Aiko para mapanatili ang kanyang healthy and younger looking glow na talagang hinangaan ng marami.

Photo credits: Aiko Melendez | IG

Hindi naman maitago ni Aiko ang kanyang kaligayahan dahil marami siyang naiinspire sa kanyang fitness journey.

“I’m happy to inspire a lot of people who almost gave up on their weight loss journey. It is never too late.”

Photo credits: Aiko Melendez | IG

Sa huli nga, ay nagpasalamat si Aiko sa mga nagpaahot ng mensahe sa kanya. At nag-iwan rin ng mga salitang puno ng inspirasyon.

“So sa lahat ng nag-message sa akin, salamat! Mahirap pero kung gugustuhin, kakayanin na ‘ten ‘yan! Good luck on your weight loss journey! And yes wala po ako make up!“

error: Content is protected !!