Connect with us

Entertainment

“It’s been a great year for me” Jodi Sta. Maria, Masayang Ipinagdiwang sa Europe ang Kanyang 40th Birthday Kasama ang Anak na si Thirdy

Talaga namang overflowing ang biyayang natatanggap ng “The Broken Marriage Vow” star na si Jodi Sta. Maria , dahil maliban sa magagandang proyekto na kanyang natatanggap sa kanyang showbiz career ay ipinagdiwang naman niya nito lamang nakaraan ang kanyang ika-40 taong gulang na kaarawan.

Nito nga lamang ika-16 ng Hunyo ipinagdiwang ng aktres ang kanyang 40th birthday, at ito ay pinili nga niyang ipagdiwang sa largest cathedral sa Prague na matatagpuan sa Czech Republic.

Bawat taon nga ay tila tradisyon na ni Jodi at ng anak niyang si Thirdy ang bumisita sa iba’t ibang mga bansa, at nito nga lamang unang linggo ng kasalukuyang buwan ay lumipad ang mag-ina patungo sa Amsterdam upang simulan ang kanilang European vacation. Tila ito na din ang pahinga ni Jodi, lalo na’t ngayon ay magtatapos na sa ika-24 ng June ang pinagbibidahan niyang top rated series na “The Broken Marriage Vow”.

Kasama na nga sa trip ng mag-inang Jodi at Thirdy sa Europe ang ipagdiwang sa naturang bansa ang kaarawan ng Kapamilya actress. Sa pinaka latest post nga ni Jodi sa kanyanh Instagram account ay ipinakita niya na siya ay nasa Prague para nga sa kanyang natal day. Ang Prague ay ang capital city ng Czech Republic.

Ibinahagi nga ni Jodi ang kanyang larawan sa Instagram na kinunan ng kanyang anak na si Thirdy habang siya ay nasa tapat ng St. Vitus Cathedral, kung saan ito ang itinuturing na pinakamalakibat pinaka mahalagang templo sa Prague.

Kalakip nga ng larawan na ito ng Kapamilya actress ay ang kanyang birthday message para sa kanyang sarili.

“40. So, far it’s been a great year for me. And as i cross the mid-point of my life, its grounded me in new ways. Had to learn and unlearn certain things. Love and let go of situations and people. Ignore noises and live a life that’s empowering to me. Stay calm and realize it’s okay not to have everything figured out. Conciously remind myself to be grateful in every situation and cast my cares on the Lord. Thank you Lord for the giftbof life.”

Nagpaabot din ng kanyang pasasalamat si Jodi sa lahat ng taong walang sawang nagmamahal at sumusuporta sa kanya, kabilang na nga ang kanyang pamilya, mga kaibigan at mga tagahaganga.

“Maraming salamatbsa lahat ng nakaalala at nagpadala ng mensahe ng pagmamahal. I thank God for each and everyone of you.bmay our good Lord uplift you and bless you in abundance. I declre peaceband joy in our hearts”, ani pa ni Jodi.

Si Jodi Sta. Maria ay isa sa mga pinakamahuhusay na aktres sa mundo ng showbiz at kasalukuyan ay karelasyon nga ng aktor na si Raymart Santiago.

error: Content is protected !!