Connect with us

Entertainment

Ito Pala Ang Ilan Sa Mga Mamahaling Sasakyan Ni Pambansang Kamao Manny “PACMAN” Pacquiao

Published

on

“Fighter of the Decade”, “Number one Senator”, at “Box Office Actor” ilan lang yan sa mga bansag na nakakabit sa ating Pambansang Kamao “Manny PACMAN Pacquiao”. Subalit sa dami ng tagumpay na kanyang natamo nanatili pa rin na nakatapak sa lupa ang kanyang paa na singbilis ng kidlat kung gumalaw sa loob ng ring at mga kamay na bukas palad sa mga nangangailangan na siya namang nagpatumba sa mga naglalakihang mga kalaban.

Marami sa atin ang hindi maiwasang humanga kay Manny Pacquiao na tinuturing na tunay na kampeon ng masang Pilipino, dahil bukod sa mga natamong tagumpay na dinala niya sa ating bansa, hindi rin sya kailanman nakalimot magbahagi sa mga kapus-palad nating kababayan. Kaya hindi rin nakapagtataka kung bakit napakaraming biyaya pa ang kaniyang tinatamasa sa buhay.



Maliban sa kanyang galing sa loob ng boxing ring at Senado, hinahangaan din ng nakararami ang mga mamahaling koleksyon ng sasakyan ng ating Pambansang Kamao na kanyang naipundar sa loob ng maraming taon.

Narito ang ilan sa mga mamahaling sasakyan na madalas makitang gamitin ni Manny Pacquiao:

Lincoln Navigator – ang mamahaling sasakyang SUV na ito ay napabalitang isa sa mga paboritong gamitin ni Manny, sinasabing ito rin ang kanyang madalas na gamit kapag siya ay nag-eensayo para sa kanyang mga dating laban

Image is for Illustration purpose only

Ferrari 458 Italia – isa sa kanyang mga koleksiyon na pinakapaborito ng mga sikat na celebrity katulad na lang ni –Justin Bieber sikat na Canadian Popstar na nagmamay-ari din ng kaparehong uri ng sasakyan. Naiulat na ilan beses na siyang nakuhaan ng litrato habang gamit ang sasakyang ito.

Image is for Illustration purpose only

Mitsubishi Pajero – ayon sa ilang mga balita ito raw ang pinakaunang sasakyan na naipundar ni Pacman nung pasimula pa lamang ng kanyang boxing career.

Mercedez SL550 – ang Mercedez-Benz SL-Class na siguro ang pinakaluma sa kanyang biniling sasakyan dahil nasa market na ito noong mga taong-50’s gamit niya rin ito kapag siya ay nagpupunta sa gym.

Image is for Illustration purpose only



Hummer H2 – noong manalong Senador ang ating Pambansang Kamao kinailangan niya itong bilhin para sa proteksiyon niya at na kanyang pamilya , isa itong fully bulletproof na sasakyan.

Porsche Cayenne Turbo S – ayon sa balita pagkatapos ng rematch nila ni Erik Morales binili niya ito at naipundar.

Image is for Illustration purpose only

Higit sa mga koleksyon na ito na kanyang natanggap mula sa mga labang naghatid ng karangalan sa ating bayan, kulang pa ang milyong “Piso” para sa nag-iisang “PUSO” ng isang Manny Pacquiao

Wala kang katulad PACMAN.

error: Content is protected !!