Connect with us

Entertainment

Ito na Pala ang Masayang Buhay ng Dating Aktor na si Jestoni Alarcon Kasama ang Kanyang Pamilya

Marami sa mga artista ng kanilang henerasyon ang talagang sumikat at lumikha ng kanilang sariling pangalan sa showbiz dahil sa talentong taglay nila. Ngunit, sa paglipas naman ng panahon ang mga artistang ito ay napapalitan ng mga artista ng bagong henerasyon. Kaya naman, hindi nagtagal ay nagpasya nang lisanin ang mundo ng showbiz at magpalit ng karera.




Isa na nga rito ang mahusay at dating aktor na si Jestoni Alarcon na ipinamalas ang husay sa pag-arte sa drama man o aksyon noong dekada 80 hanggang dekada 90. Bukod naman sa angking talento ng aktor ay kahanga-hanga rin ang kanyang angking kakisigan at kagwapuhan.

Photo credits: www.google.com

At ang dalawang katangian na ito ng dating aktor ang nagdala sa kanya sa matagumpay niyang karera. Bumuhos nga ang mga proyekto at pelikula ng aktor na talaga namang hinangaan ng publiko ang husay niya sa pag-arte. Ngunit, sa kabila ng kasikatan ni Jestoni noong 2000 ay nagpasya na siyang lisanin ang mundo ng showbiz upang mamuhay ng simple at tahimik.

Photo credits: www.google.com

Matapos ngang iwan ang larangan ng pag-arte ay lakas loob naman niyang pinasok ang larangan ng politika. Hindi naman nabigo si Jestoni at matagumpay niyang nasungkit ang pagkapanalo bilang konsehal ng Antipolo. Hindi pa nga nakuntento ang dating aktor at lumaban pa siya sa mas mataas na posisyon kung saan ay naging bise gobernador siya ng Probinsya ng Rizal.




At ngayon nga, ay nasa pangalawa na siyang terminong nakaupo bilang board member ng 1st district ng Rizal. Hindi maikakaila ang magandang serbisyo at tapat na panunungkulan ni Jestoni sa kanyang nasasakupan, kaya naman maraming mamamayan ang patuloy na naniniwala sa kanyang kakayahan at hindi nagsasawang sumuporta sa kanya.

Photo credits: www.google.com

Samantala, napakapalad naman ni Jestoni sa pagkakaroon ng isang pamilya. Ang kanya ngang asawa ngayon na si Lizette Capili na dating modelo at beauty queen sa Los Angeles California ang nagbibigay saya at kulay sa buhay niya ngayon. 26 na taon ng masayang nagsasama ang mag-asawa at sa loob ng mahabang panahon ang kanilang pag-ibig ay sinubok na ng panahon. At ngayon nga, ay nananatili silang matatag at solido ang pagmamahal sa isa’t isa. Lalo namang pinasaya ng kanilang tatlong anak na sina Jessica, Angela at Anthony ang kanilang pagsasama.

Photo credits: www.google.com 

Hindi naman maikakaila na sadyang mga magaganda at gwapo rin ng kanilang mga anak na talagang namana ang magandang katangian ng mga magulang. Nananatili namang pribado ang buhay ng mga anak ni Jestoni, sa kabila ng pagiging kilala sa lipunan nilang mag-asawa ay mas pinili ng kanilang mga anak na maging simple at pribado lamang ang kanilang pamumuhay.




Photo credits: www.google.com

Ngunit, sa kabila nito, marami pa rin sa mga tagahanga ng aktor ang nais makilala ang kanyang mga anak, kaya naman, ay nakasubaybay ang mga ito sa kanilang social media.

Nagyon nga, makikita na masayang-masaya na ang dating aktor sa buhay na napili niya kasama ang kanyang pamilya, matapos lisanin ang mundo ng showbiz.

error: Content is protected !!