Connect with us

Entertainment

Ito na Ngayon ang Tahimik at Masayang Buhay sa Singapore ng Dating PBB Housemate na si Franzen Fajardo

Parte na ng buhay natin ang subaybayan ang buhay ng mga iniidolo nating personalidad sa showbiz. May ilan nga na talagang sumikat sa larangan, at ang iba naman ay naging pansamantala lamang kung saan ay mas piniling lisanin ang showbiz upang hanapin ang kaligayahan sa kanilang buhay ng wala sa harap ng camera.

Isa naman sa programa kung saan nagsisimula ang karera ng ilang artista, ay ang reality talent search na Pinoy Big Brother sa ABS-CBN. Maraming artista ang naging produkto ng PBB ang talagang sumikat, may ilan rin namang sumikat man ngunit panandalian lamang.

 

Photo credits: google.com

Isa na nga rito ang dating PBB Housemate na si Franzen Fajardo. Nang pumasok si Franzen sa bahay ni Kuya ay agad niyang nabihag ang puso ng mga manonood dahil sa kanyang masayahin at kwelang personalidad.

Photo credits: google.com

Bagama’t, maraming manonood ang natutuwa kay Franzen dahil sa kanyang personalidad, ay hindi naman siya ng nagtagal sa bahay ni Kuya dahil sa nagawa niyang sunod-sunod na violations.

Photo credits: google.com

Madalas na nakakasama ni Franzen sa pagbibigay saya at sa kanyang mga kalokohan ang kanyang housemate na si Jayson Gainza. Maraming nagawang violations si Franzen, dahilan nga ng mabilis niyang pagkawala sa bahay ni Kuya. Ilan sa mga ito ay pagsusulat ng sikretong mensahe sa lamesa at pagbubulungan na mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng bahay ni Kuya.

Dahil sa sunod-sunod na paglabag ni Franzen, bagama’t inako ng ibang housemate ang kanyang pag-alis ay nagdesisyon parin si Kuya na siya’y parusahan at patawan ng force eviction na kauna-unahang naganap sa PBB history.

Sa kanyang paglabas sa bahay ni Kuya ay nagkaroon ng mangilan-ngilang proyekto si Franzen sa industriya ng showbiz. Ngunit sa huli ay nagpasya parin siyang tuluyang iwan ito upang hanapin ang kaligayahan sa ibang larangan.

Photo credits: google.com

Ayon sa ulat ng Bandila noong 2018, ay masaya na ngayon si Franzen sa buhay na kanyang napili at ngayon nga, ay naninirahan na ang dating PBB housemate sa Singapore. Ang pinagkakaabalahan naman ngayon ni Franzen bilang kanyang trabaho ay buy and sell.

Photo credits: google.com

Bagama’t, nasaksihan ng publiko ang kanyang pagiging pasaway noon, ay patuloy namang pinapatunayan ni Franzen na inaayos niya ang kanyang buhay ngayon. Hindi naman makikitaan ng pagsisisi si Franzen sa kanyang napiling landas, na ngayon nga ay tahimik at masayang namumuhay sa Singapore kasama ang kanyang pamilya.

Photo credits: google.com

Kahit wala na siya sa mundo ng showbiz ay hindi naman nakakalimutan ni Franzen ang mga taong naging bahagi na ng buhay niya sa PBB na kanyang naging kaibigan, at paminsan-minsan nga ay nakakausap niya parin ang mga ito. Katulad na lamang nina Say Alonzo, Nene Tamayo, at Sam Milby.

error: Content is protected !!