Connect with us

Entertainment

Ito na ang Buhay ng Dating Kontrabida sa Palabas na Mula sa Puso na Si Princess Punzalan na mas Kilala Bilang Selina Pereira-Matias.

Si Bernadette Vela Punsalan o mas kilala sa kanyang stage name na Princess Punsalan ay ipinanganak noong Nobyembre 20, 1968 at isa sa pinaka sikat na artista noong dekada 90’s.







Nagsimula ang kanyang karera at unang lumabas sa telebisyon sa pelikulang Lovingly Yours: The Movie noong 1984 at sinundan naman ng television drama na Lovingly Yours, Helen noong 1992-1996.

Isa din siya sa mga naging nominado sa PMPC Star Awards for Television noong 1987 at mas lalo pang sumikat nang gumanap siya bilang kontrabida na si Selina “Terminator” Pereira-Matias sa isa sa mga Filipino primime melo drama romance na inire ng ABS-CBN noong March 10, 1997 at nagtapos noong April 9, 1999 kasama ang mag beterano at beteranang aktor at aktres na sila Rico Yan at Claudine Baretto.

Dahil sa kanyang pambihirang galing sa paganap bilang kontrabida na si Selina Pereira Matias nakuha niya ang PMPC Star Awards for TV’s Best Drama Actress noong 1998.

Ayon sa interview kay Princess Punzalan kasama si Rhea Santos sa show na Tunay na Buhay ng GMA na sinabi ni Princess na ngayon ay isa syang fulltime registered nurse sa United States pero bago iyon nagtrabaho muna siya sa isang restaurant sa U.S.




“Maawain kasi akong tao, so second nature na sa akin ang maging maalaga. Kung meron akong magawa para makatulong, gagawin ko,” salaysay ni Princess Punzalan.

Nitong nakaraan lang umuwi si Princess sa Pilipinas kasama ang kanyang amerikanong asawa at ang kanyang 1 taon gulang na babaeng anak upang magbakasyon.

“Nung na-meet ko si Jay, I felt na it was right and I felt na we were a good match and I saw that we were headed towards the same direction,” ayon kay princess.

“Nakita ko kung gaano ka-fulfilling maging nanay. Kais binigyan ka ng opportunity ng Diyos na magkaroon ng part sa buhay ng isang tao. When she kisses me, nagme-melt talaga ang heart ko. Ibang klase talaga,” dagdag ni Princess Punzalan.

“Hindi mo pwedeng i-box ang sarili mo. There’s so much fear of being a failure na parang nalilimitahan ka na sa pwede mong gawin. There’s always hope. There’s always a second chance. Just persevere. Kung anoman ang mahirap na circumstance na pinagdadaanan mo, malalampasan mo ‘yan,” ayon kay princess.

Sa ngayon masaya na si Princess na naninirahan sa U.S. bilang isang ordinaryong tao kasama ang kanyang pamilya.

Ano ang masasabi nyo sa buhay ngayon ni Princess Punzalan? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.




error: Content is protected !!