Pangarap ng maraming mga magulang ang maging matagumpay ang kanilang mga anak. Kaya naman, ang bawat magulang ay ginagawa nila ang abot ng kanilang makakaya para mapag-aral sa isang maayos na paaralan. At kung maaari nga ay sa isang mamahalin at pribadong institution para makamtam ang inaasam na best education para sa kanilang anak.
Ngunit, kapag sinabi ngang “best education” ay nangangahulugan ito ng isang prestihiyosong private learning institution na may mamahaling tuition fee. Ating alamin ang pinakakilalang paaralan na may napakamahal na tuition fee sa Pilipinas.
10. De La Salle Santiago Zobel School (DLSZ)
Photo Credits: Google.com
Noong 1978 nang itatag ang De La Salle Santiago Zobel School (DLSZ), na isang kilala at mamahaling paaralan na matatagpuan sa exclusive village sa Ayala, Alabang. Maliban sa preschool at grade school, ay tumatanggap rin sila ng junior at senior high school. May Technical Education and Skills Development Authority o mas kilalang TESDA rin sa nasabing paaralan. At ilan nga sa mga programang hatid ng TESDA ay Automotive Servicing, Computer Hardware Servicing at Cookery. Bago naman makapasok sa paaralang ito, ay kinakailangan ng malaking halaga. Dahil ang presyo ng tuition fee dito ay naglalaro sa P150,000 kada taon, at ito ay presyo noong pang 2015.
9. Colegio De San Agustin Makati
Photo Credits: Google.com
Ang Colegio De San Agustin Makati ay itinatag ng mga pari noong 1969. Isa itong coeducational Catholic School na nasa ilalim Order of Saint Augustine (OSA). Ito ay matatagpuan sa Dasmariñas Village sa Makati City, kung saan bukas nais mag-aral ng basic education mula sa preschool hanggang Senior High School. Bukas rin ito sa mga estudyanteng mahilig sa sports at arts dahil nagbibigay rin ito ng serbisyo sa pamamagitan ng Arts and Sports Enrichment Program. Nagkakahalaga naman ang tuition fee dito ng P160,000 kada taon at hindi pa dito kasama ang ilang hidden fees tulad ng miscellaneous fee yearbook at graduation fees.
8. Ateneo de Manila University
Photo Credits: Google.com
Kabilang nga sa prestihiyosong unibersidad ang Ateneo de Manila University. Ito ay isang private academic and research institution na itinayo noong 1859 ng Society of Jesus. Ngunit, noong 1952 ito inilipat na kanyang kasalukuyang lokasyon na matatagpuan sa Katipunan Avenue, Loyola Heights Quezon City. Noong 2015, ang presyo ng tuition fee sa nasabing unibersidad na tumatanggap ng basic education sa Elementary, Junior at Senior Highchool at pati na rin sa Graduate educational levels ay naglalaro sa halagang P165,000 at hindi pa kasama dito ang iba pang bayarin sa paaralan.
7. Xavier School
Photo Credits: Google.com
Ang Xavier School ang isa rin sa may pinakamahal na tuition fee sa mga paaralan sa Pilipinas. Ang tuition nito ay naglalaro sa halagang P170,000 at ito ay noon pang 2014. Ang XS ay isang Jesuit-run private Catholic School na exclusive lamang para sa mga lalaki. Taong 1956 nang unang magbukas ang paaralan sa unang lokasyon nito at noong 1960 naman nang luamipat na sa Greenhills. Isa ang XS sa mga unibersidad sa Metro Manila na nagre-require sa mga estudyante na mag-aral ng Chinese sa ilalim ng K-12 curriculum.
6. La Salle Greenhills
Photo Credits: Google.com
Isa rin sa prestihiyosong paaralan sa bansa ay ang La Salle Greenhills na itinatag ng La Salle Brothers noong 1959. Ang all boys school na ito ay nakatayo sa 6-hectares property na matatagpuan sa Ortigas Avenue sa Mandaluyong. Nagkakahalaga naman ng P170,000 ang tuition fee ng mga estudyante sa nasabing paaralan.
5. Reedly International School
Photo Credits: Google.com
Noong taong 2015 ang binabayarang tuition fee ng mga estudyante sa Reedly International School ay P190,000 kada taon. Hindi pa kasama dito ang iba pang charges tulad na lamang ng maltriculation fees, books at iba pang fees. Ang mamahaling paaralan na ito ay matatagpuan sa Pasig City, Metro Manila.
4. Southville International School and Colleges (SISC)
Photo Credits: Google.com
Taong 1990 nang itayo ang Southville International School and Colleges, at kabilang nga sa top international schools sa Metro, Manila. May nakakalula naman itong tuition fee, dahil sa grade school students pa lamang ay nagkakahalaga na ang tuition fee ng P200,000. At para sa high shool students, ay mas mataas naman nga ang tuition fee kung saan ay hindi pa kasama ang bayad sa mga libro . Ito ay matatagpuan sa Las Piñas.
3. British School Manila (BSM)
Photo Credits: Google.com
Ang British School Manila ay isang private international school sa Pilipinas na itinatag noong 1976 na matatagpuan sa Bonifacio Global City. Ayon sa ulat noong taong 2014-2015 ang tuition dito ay nagkakahalaga P400,700 para sa grades 10-11 kada taon. Sa Grades 12-13 naman, ang tuition fee naman ay nagkakahalaga ng P400,140. Hindi pa nga kasama dito ang binabayarang P200,000 na entrance fee at P15,000 naman para sa application fee at capital development fee.
2. International School Manila (ISM)
Photo Credits: Google.com
Ang International School Manila ay isang private, non-profit, non-sectarian school na matatagpuan sa Bonifacio Global City sa Taguig. Ito ay bukas para sa girls and boys, mula sa Preschool to Grade 12 students. Ang tuition fee kada taon para sa Grades 9-10, ay nagkakahalaga ng P450,600 at para naman sa Grades 11-12 ay nagkakahalaga naman ng P445,100. Hindi pa kasama dito nag $3500 Maltriculation fee, facility enhancement fee, ESL fee at Application fee.
1. Brent International School
Photo Credits: Google.com
Nangunguna na ang Brent International School sa may pinakamahal na tuition fee sa Pilipinas. Ito ay isang international co-educational day and boarding school kung saan ay associated sa Episcopal Church. Ang tuition fee nga sa paaralang ito ay sadyang nakakalula dahil nagkakahalaga lang naman ng P500,632 kada taon para sa Upper Schools magmula Grade 9-12. Sa nasabing halaga ay hindi pa kasama ang $1575 Capital development fee, $3000 na Maltriculation fee at iba pang fees para sa reserving slots. Samantala, plano rin ng nasabing paaralan ang magkaroon ng Baccalaureate exams at magbukas rin ng options para sa ESL o English as a Second Language students.