Connect with us

Entertainment

“It was painful”: LJ Reyes, Nagsalita na Kaugnay sa Isyung Hiwalayan nila ng Kanyang Partner na si Paolo Contis

Agad napansin ng mga tagahanga at tagasuporta ng celebrity couple na sina LJ Reyes at Paolo Contis, na tila may namumuong hindi pagkakaunawaan sa kanilang relasyon. Ito nga matapos kumalat ang samu’t saring espekulasyon sa relasyon ng dalawa sa social media nito lamang ika-20 ng Agosto nang mapansin na naka-unfollow sa Instagram si Paolo kay LJ.

Credits: Facebook

Marami rin ang nakapansin na burado na lahat ang mga litrato ni LJ sa Instagram account ni Paolo. Dahil nga dito, ay mas lalong umugong ang usapan na hiwalay na ang celebrity couple. At ito lamang ika-22, ay isang kumpirmasyon mula sa manager ni Paolo na Lolit Solis ang lumabas, kung saan ibinunyag nito na totoong hiwalay na nga ang dalawa.

Ngunit, nilinaw naman ni Lolit na walang sangkot na third party sa hiwalayang Paolo at LJ. Ayon kay Lolit, ay gusto umano ng dalawa na maghiwalay sila ng maayos at nasa maging magkaibigan sa huli.

Credits: Boy Abunda | Interview

“Walang 3rd party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes, it was a matter of na outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon.”

“Kesa naman humantong pa sa pag-aaway, mas gusto na nila na maghiwalay ng maayos, at dasal na mag-end as friends.”

Samantala, kamakailan lamang, matapos ang ilang araw na pananahimik ni LJ kaugnay sa isyu, ay tuluyan na ngang nagsalita ang aktres. Labing-isang araw na ang nakalipas magmula ng pumutok ang isyu, at tila handa na si LJ na pag-usapan ito.

Credits: Republika News

At ang lahat ng pinagdadaanan ni LJ sa relasyon nila ni Paolo, ay isiniwalat ng aktres sa interview ni Boy Abunda. Sa 21 seconds na teaser video ng interview ni Tito Boy kay LJ, ay makikitang emosyunal at labis na nasaktan aktres sa sinapit ng relasyon nila ni Paolo.

Habang ipinagtatapat nga ni LJ ang kinahinatnan ng relasyon nila Paolo, ay kitang-kita ang sakit at paghihirap ng kalooban ng aktres.

“It was so difficult. It was painful. Kung hindi malakas ang pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin,” pahayag ni LJ kasabay ng kanyang pagluha.

Tinanong rin ni Tito Boy, kung mutual decision ba ang kanilang paghihiwalay, ngunit hindi naman ipinakita sa teaser ang naging kasagutan ni LJ.

Sa tanong naman ni Tito Boy kung sino ang humiwalay, ay dito na nga naging makahulugan ang kasagutan ng aktres.

“Matagal ko nang nararamdamang nakahiwalay na siya sa amin.”

Credits: Facebook | Image

Ang kabuuang panayam ni Tito Boy kay LJ kaugnay sa isyu ng hiwalayan nila ni Paolo, ay mapapanood sa YouTube channel ni Tito Boy ngayong ika-1 ng Setyembre.

Ang matamis na pagsasama nina Paolo at LJ na tumagal ng halos limang taon, ay nagbunga ng isang napakacute na baby girl na si Summer, na ngayon nga ay dalawang taong gulang na.

error: Content is protected !!