Connect with us

Entertainment

It was more of like napagod ako”: Dating Aktres na si Rica Peralejo, Ibinahagi ang Dahilan Kung Bakit Siya Nagpasyang Iwan ang Industriya ng Showbiz

Ang dating aktres na si Rica Peralejo ay isa sa mukha ng showbiz noong dekada 90 na talaga namang hinangaan ng marami. Isang mahusay na singer at may natatanging galing sa pag-arte. Sa murang edad na 12 taong gulang ay pinasok na si Rica ang mundo ng showbiz upang ipamalas ang kanyang husay bilang isang singer at artista.

Hindi naman maitatanggi na isa siya sa nagbigay ng saya at inspirasyon sa kanyang mga tagahanga. Masasabi nga na ang karera ni Rica ay namayagpag at nakamit niya ang rurok ng tagumpay.

Sa kabila ng tinatamasang tagumpay ay nagpasya pa ring lisanin ng dating aktres ang industriya ng showbiz upang mamuhay ng simple at tahimik.

Photo credits: Rica Peralejo | IG

Ngunit, ano kaya ang nagtulak kay Rica upang iwan ang showbiz?

Sa panayam kay Rica sa vlog ng TV host na si Toni Gonzaga na “Toni Talks”, ay kanyang ibinahagi ang dahilan kung bakit siya nagpasyang iwan ang showbiz.

Photo credits: tonitalks | Youtube

Ayon nga kay Rica, ang nagtulak sa kanya na lisanin ang showbiz sa kabila ng katanyagan ay nang dumating umano ang puntong tila nakakaramdam na siya ng pagod.

“It was more of like napagod ako. At 25, sabi ko bakit ganon, paggising ko naiisip ko trabaho, tapos pagod na pagod na ako, tapos iniisip ko lang trabaho so wala na akong ibang nilo-look forward sa buhay ko.”

Photo credits: Rica Peralejo | IG

Tila nga walang patutunguhan ang buhay ni Rica, at tanging trabaho lang ang nasa isip niya. Hanggang sa makita niya ang simple at masayang buhay ng mga taong nakapaligid sa kanya. At naisip nga ni Rica, na nais niya rin na magkaroon ng direksyon ang buhay niya upang makamit ang kaligayahan.

Pag-amin naman ni Rica, ay umiikot ang mundo niya noon sa mga makamundong bagay tulad ng pag-inom ng alak, paninigarilyo at maging toxic relationship. At ang lahat ng ito ay dahil nakaramdam siya na maging “broken” at “lost”.

Photo credits: Rica Peralejo | IG

Ngunit, ang lahat ng ito’y nagbago nang magkaroon at makilala niya ang tunay na Diyos sa buhay niya. At ito dahil sa aktor na si Sam Milby na niyaya siyang magchurch. Kwento ni Rica, ay talagang tumagos sa kanyang puso ang kwento ng “Bleeding Woman” na kung saan ay akmang-akma sa kanyang katauhan at sitwasyon.

Photo credits: Rica Peralejo | IG

Buong akala ni Rica habang nasa showbiz ay mga materyal na bagay at katanyagan lamang ang kailangan niya sa kanyang buhay. Ngunit, hindi pala talaga ito ang nais niya, kundi ang Diyos na siyang nagbigay sa kanya ng masaya at tahimik na buhay ngayon.

Photo credits: Rica Peralejo | IG

Pagbabahagi naman ni Rica, ay hindi naging madali ang kanyang pasya na tuluyang iwan ang showbiz, dahil siya ang bumubuhay sa kanyang pamilya. Pag-amin ni Rica ay natakot siya na baka hindi niya maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Ngunit, narealized umano niya na hindi siya dapat matakot, dahil ang tunay na provider ng kanyang pamilya ay ang Diyos.

Magmula nga ng mamuhay na may pananampalataya sa Diyos, ay talagang nakamit ni Rica ang masayang buhay.

Sa nasabing interview rin ang ikinumpara ni Rica ang Rica noon at Rica ngayon. At masasabi na napakalaki ng pagbabago sa kanyang katauhan.

“The new Rica is just this one, ‘yung just living by faith, living under the grace of God, by the mercy of God, just blessed.”

error: Content is protected !!