Connect with us

Entertainment

Isang Tatay, Pilit na Sinusuot parin ang Kaniyang Butas na Medyas Upang Makapag-Ipon Para sa mga Anak

Totoong hindi mapapantayan ang sakripisyo at pagmamahal ng mga magulang sa kanilang pamilya. Talagang inuuna nila ang kanilang mga anak bago ang kanilang sarili lalo na sa mga pinaka-importanteng bagay.

Kung minsan, nakakaligtaan na nila ang kanilang sarili habang tinutustusan nila ang pangangailangan ng kanilang mga anak.

Napipilitan silang pagtiyagaan at pagtiisan kung ano lamang ang mayroon sila basta’t masiguro lamang na naibibigay nila ang lahat sa kanilang pamilya.

Photo credits: Girlie Saranillo | Facebook

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng isang misis na si Girlie Saranillo ang isang litrato ng pag-uusap nila ng kaniyang mister. Sa litrato, makikitang ipinakita ng kaniyang asawa ang butas-butas nitong medyas kasunod ng mensaheng,

“Parang kaya pa noh?”

Photo credits: Girlie Saranillo | Facebook

Makikita rin na talagang natawa si Girlie sa kaniyang asawa. Ayon sa kaniya, nagtatrabaho bilang isang electrical engineer ang kaniyang asawa.

Bagamat isa itong propesyonal, ito raw talaga ang ugali ng kaniyang asawa. Para sa kaniya, hangga’t maaari ay gagamitin pa rin niya kahit ang luma at sira-sirang mga kagamitan. Hindi rin naman daw ito mapapansin ng kaniyang mga katrabaho.

Photo credits: Girlie Saranillo | Facebook

Dagdag pa ni Girlie, talagang pinipilit nilang mag-asawa na magtipid lalo na at kambal ang kanilang mga anak kaya naman iniiwasan din nila ang anumang uri ng luho. Talagang ang lahat ng pagsasakripisyo ni Girlie at ng kaniyang asawa ay para sa kanilang pag-iipon para sa edukasyon ng kanilang mga anak sa hinaharap.

Dahil sa ibinahaging ito ni Girlie, maraming misis ang naka-relate dito. Ayon nga sa isang misis, pati ang panloob na mga damit ng kaniyang asawa ay napakaluma na. Ganito rin umano ang partner ng isang netizen.

Photo credits: Girlie Saranillo | Facebook

Dagdag pa niya, hindi rin gusto ng kaniyang partner na bumili ng kahit anong branded na panloob na kasuotan lalo na at hindi naman ito makikita ng ibang tao. Mas mahalaga raw sa kaniya na unahin ang pangangailangan ng kanilang mga anak.

Para naman sa asawa ng isa pang netizen, hangga’t maaari ay tinatahi na lamang niya ang mga sira-sirang kasuotan upang ito ay magamit pa niya kaya naman lumang-luma na rin ang kaniyang mga kagamitan. Ibang-iba raw ito sa lifestyle na kinagawian ng kaniyang asawa noong binata pa siya ngunit nagbago siya dahil mas nais nito na mag-ipon para sa kanilang mga anak.

error: Content is protected !!