Isang Talentadong Batang Pinoy Tumugtog ng Sweet Child O Mine Gamit ang Improvised na Drum Set

“Music is the world’s universal language”, isang katagang may katotohanan dahil sa musika natin maipapakita ang iba’t ibang emosyon na ating nararamdaman. Nalulungkot man tayo o masaya ay mayroong tugtugin na magpapakita sa atin ng representasyon sa ating mga saloobin at dinaramdam. Mahilig tayong makinig sa musika.

Mahilig tayo umindayog sa musika at sumayaw. Mahilig tayong dahmin ang bawat mensahe ng musika at kumanta. Mayroong namang iba na lubos na talentado at nakakagawa ng mga liriko at marapat na nilalapatan ang mga ito ng bagay na tunog, dynamics, at akmang tempo.


Sa pagdaan ng panahon, mas lalong lumalawak ang sakop ng musika. Iba’t ibang teknik at mga mas nakakaindayog na tugtugin ang maririnig ngayon sa iba’t ibang multimedia. Sa ngayon ay maaari ng manood sa Youtube ng mga bidyo na inuupload ng mga magagaling na mang-aawit, sikat man o maging galing sa mga tinatawag nating rising stars.

Uso rin ang Spotify na kung saan ay makakapakinig ka ng iba’t ibang musika ng mga sikat na mang-aawit lokal man o internasyunal. Ang musika ay talagang para sa lahat, sa kahit na anong edad, kasarian, lahi at maging anong salik pa iyan.

Marami na ang sumisikat sa social media dahil sa mga angkin talento ng mga ito. Mangialan- ngilan din ang nagpapasikat sa singing booth o microphone testing sa mga mall, kumakanta sa videokehan, eskwelahan, opisina, hospital, pampublikong transportasyon at pagkatapos nabibidyuhan at inuupload ng mga nakasaksi rito at namangha.


Marami talagang pakulo ang mga taong napapansin natin sa mga bidyo na nagvaviral ngayon. At isa na sa mga viral videos na ito ay ang isang batang Pinoy na nakakatuwa dahil sa pagtugtog gamit ang improvised materials bilang drum set nito.

Alam natin kung gaano kamahal ang isang drum set. Di ito gaya ng mga gitara na maaaring tugtugin ng iyon lamang ang gamit. Ang drum set ay kinakailangan ng mga parte upang matugtog ng lubusan. At dagdag pa dito ay mahirap hanapan ng akmang parte ang isang drum set na babagay sa tipo ng tutugtog. Challenging ika nga! Sapagkat kailangan ng malaki-laking puhunan para dito.

Nakakalungkot isipin na marami ang may gusto sa larangan ng pagtugtog ng drums ngunit walang sapat na pera upang mabili ang mga ito. Ngunit tama rin na isipin na “ Kung gusto mo, may paraan,” at isang batang Pinoy ang nagpatunay nito at nagpakita ng angking kagalingan sa isang napakacute na pamamaraan.

Makikita sa viral video na libo-libo ang nanonood ang bata habang kinukunan siya na tumutugtog ng isang classic Rock ‘n Roll song na “Sweet Child O Mine”. Talamak itong ginagawan ng song cover ng iba’t ibang tao sa social media sa mga lumipas ng taon. Subalit iba ang pinakitang ito ng batang lalaki sapagkat improvised drum set ang gamit nito gamit ang iba’t ibang karaniwang kasangkapan sa bahay.


Talagang kahanga-hanga ang batang Pinoy na ito at talagang may future ito pagdating ng araw. Sana lamang ay makarating ang nasabing viral video sa mga naglalakihang institution sa larangan ng musika upang mabigyan ito ng big break.

Ang talentong yaon ng bata ay talagang katangi-tangi. Gamit ang improvised drum set nito ay perpekto siyang tumutugtog. Ano nalang kaya kung mayroon na siyang totoong drum set? Wag na tayong magpatumpik tumpik pa! Naway ang batang Rockstar na ito ay mabigyan ng kaukulang pansin para magpamalas ng galing hindi lang sa bansa, maging sa buong mundo man at magbigay ng pagkilala sa mga Pinoy na tunay na talentado’t kahanga-hanga.

Tunghayan dito and video: