Connect with us

Inspiring

Isang Single Gay Dad, Inampon at Pinalaki ang 2-Taon Gulang na Ulilang Bata noon na ngayon ay Kinikilala Bilang Isang Olympic Champion

Hindi na bago ngayon ang makasalamuha tayo ng mga lalaki na binabae kung kumilos o kung tawagin ay mga gay man. Sa estado ng kanilang kasarian, ay hindi maiwasan na sila ay makarinig ng mga hindi maganda o masakit na salita mula sa kaniang kapwa, at tulad ng mga normal na kalalakihan may iba sa kanila na ngangarap din na maging isang ama sa kabila ng estado ng kanilang kasarian.

Si Jerry Windle ay isa lamang sa mga single gay man na nakaranas ng mga hindi magandang salita, katulad na lamang ng mga sinasabi sa kanya ng marami na dahil sa kanyang pagiging isang ‘gay’ ay hindi niya mararanasan na magkaroon ng anak at gampanan ang pagiging isang ama.

Dahil dito ay naniwala din si Jerry na hindi na niya mararanasan sa buhay niya ang maging isang ama, ngunit ang buhay niya ay biglang nagbago, at ito ay tila naging mala-fairytale dahil ang isang bagay na inakala niyang hindi mangyayari sa kanyang buhay ay nakamit niya at ito ay ang maging isang ama.

Naniniwala si Jerry Windle na ang pagiging isang magulang ay natutunan, dahil ito ang nangyari sa kanya ng dumating sa buhay niya ang kanyang anak, ang isang batang orphan na kanyang inaruga at pinalaki na ngayon ay isa ng binata at kinikilala bilang isangh Olympic champion.

Ngunit paano ba naging isang ama si Jerry Windle at ano ang kuwento ng naging mala-fairytale na parental journey niya.

Ayon sa ulat ang single gay man na si Jerry Windle ay pangarap na noon pa man ang maging isang ama. Noon umano ang nagkaroon itong struggle na mag-adopt sa bansang Amerika, hanggang sa dumating ang araw na mayroon siyang na-spottan na magazine story na naglalaman ng buhay ng mga orphans sa bansang Cambodia.

Nang ito ay kanyang makita, hindi na siya nagdalawang-isip pa na kontakin at makipag-ugnayan sa Cambodia officials at hindi nagtagal ay nagbago na nga ang takbo ng kanyang buhay.

Si Jerry ay nagtungo sa Phnom Penh, Cambodia noong buwan ng Hunyo taong 2000 at dito ay nakita at nakilala niya ang kanyang future son na si Jordan. Lumaki si Jordan sa orphanage dahil siya ay naulila na sa ama’t ina nung siya’y musmos pa lamang.

Nang unang makita ni Jerry Windle si Jordan ay isa itong batang payat, at sakitin, sa kabila nito ay hindi siya nagdalawang isip na ampunin ang bata at agad niya itong inuwi sa bahay niya sa Florida, USA. Upang mapalusog ang batang si Jordan, ay agad ngang ipinagamot ito ni Windle at dito na din niya sinimulan na gampanan ang pagiging isang ama.

Hindi naman naging madali ang buhay ng mag-ama, dahil sa talagang napakasakitin ni Jordan noong siya ay bata pa. Noong 2-taong gulang pa lamang ito ay hindi sigurado si Jerry kung mabubuhay ang kanyang anak dahil sa halos nasa 16-pounds na lamang ang timbang nito, ngunit pangako niya rito ay hindi niya ito susukuan at gagawin ang lahat para maging maayos ang kalusugan ng anak.

Ipinadama ng lubusan ng single gay dad na si Jerry Windle ang pagmamahal at pag-aaaga niya sa anak niyang si Jordan, kaya naman naging maayos din ang naturang bata. Nang lumaki at tumuntong na si Jordan sa 7-taong gulang ay nakuha umano nito ang atensyon ni Tim O’Brien ang anak ng sikat at kilalang diving coach na si Ron O’Brien sa diving camp. Dito na nagsimula ang buhay ni Jordan sa diving hanggang sa matupad niya ang pinaka una niyang tagumpay.

Sa pagkakataon din na ito nakilala ng mag-ama si Greg Louganis, isang LGBT activist na Olympic gold medalist at kilala sa tawag na “Little Louganis.”

Ngayon nga, ang batang noon ay sakitin at payat na si Jordan ay isa ng matatag na binata na magku-compete sa Olympics sa United States kung saan ay kanyang ire-representa ang bansang Cambodia.

Makikita ang Cambodian flag na naka-tattoo sa braso ni Jordan, kapag siya ay nagda-dive.

Ang nakakamangha na kuwento na ito ng mag-amang Jerry at Jordan ay ibinahagi nila sa pamamagitan ng isang kuwento sa children’s book na kanilang isinulat noong taong 2011, na may titulong “An Orphan No More: The True Story of a Boy.”

error: Content is protected !!