Connect with us

Inspiring

Isang Online Seller Nakapagpatayo Na Ng Pangarap Na Bahay Para Sa Pamilya, Ibinahagi Ang Pinagdaanang Hanggang Maging Matagumpay Na BusinessWoman

Published

on

There’s no lotion or portion that will make sales faster and easier for you, unless your portion is hard work – Jeffrey Gitomer, sa mundo ng pagnenegosyo masasabing higit sa mga produktong ibinebenta ang pinakamahalagang puhunan talaga ay ang pagpupursigi. At walang hindi maabot kung ang iyong determinasyon ay sasamahan mo ng maraming pananalangin sa Diyos na lumikha.

Ito ang naging pinakamalaking naging puhunan ng isang dating simpleng online seller na si Rica Detiquez na ngayon ay isa ng magtagumpay na businesswoman. At mula nga sa dating maliit na halagang puhunan at pagiging pangkaraniwang online seller ngayon ay namamahala na siya ng isang malaking negosyo.



Malayo sa dating maliit na negosyo na nasimulan ngayon ay nagmamay-ari na siya ng isang kilalang cosmetic brand na tinawag niyang “RYX Skincerity”. Gayunpaman para sa dalagang businesswoman hindi naging madali ang daang tinahak niya para maabot ang kasalukuyang tinatamasang tagumpay.

Photo credits: Rica Detiquez | Facebook Account

Sa kanyang facebook account ay ibinahagi niya noon pa man ay determinado na talaga siyang magtagumpay sa buhay. At kahit na noong nasa kolehiyo pa lamang siya ay masipag na siyang magbenta ng cosmetic, damit at pagkain sa kanilang paaralan kung saan ang mga suki niya ay mga kaklase.



Photo credits: Rica Detiquez | Facebook Account

Photo credits: Rica Detiquez | Facebook Account

Photo credits: Rica Detiquez | Facebook Account

Samantala, kahit na nakapagtapos na si Rica at nagtatrabaho na ay hindi pa rin niya itinigil ang pagtitinda sa online bagkus ay mas higit pang nagpursigi na magtagumpay sa kanyang mga ninanais.



Photo credits: Rica Detiquez | Facebook Account

At kahit pa mayroon ng trabaho ang masipag na dalaga ay nagawa pa rin niyang pagsabayin ang pagiging empleyado gayundin ang pagiging online seller at bukod sa mga buyer niya sa online ay inaalok din niya ang mga kasamahan sa trabaho ng iba’t-ibang mga tindang produkto.

Photo credits: Rica Detiquez | Facebook Account

At dahil sa pagpupursigi ng hardworking na dalaga hindi kalaunan ay nagkaroon siya ng pera na ginamit niya upang makapag-umpisa ng sariling negosyo na hindi naman katagalan ay naging kilala na ng marami. Dahil sa tagumpay na narating ni Rica ay nagawa na niyang makapagpatayo ng matagal ng pangarap na bahay para sa kanyang pamilya.

Photo credits: Rica Detiquez | Facebook Account

Photo credits: Rica Detiquez | Facebook Account

Photo credits: Rica Detiquez | Facebook Account



Photo credits: Rica Detiquez | Facebook Account

Sa kasalukuyan ay patuloy na umuunlad at dumarami pa ang nagtitiwala at tumatangkilik sa kanyang ‘RYX Skincerity” cosmetic. At para kay Rica utang niya ang tinatamong tagumpay at mga pagpapalang natatanggap sa tulong at biyaya ng MayLikha.

error: Content is protected !!