Isang OFW Ibinahagi sa Social Media ang Kanilang Konbersasyon nang Kanyang Kumare na Nanghihinge nang Pamasko Para sa Kanyang Anak

Dito sa Pilipinas nakasanayan na natin na magbigay ng pera or regalo sa ating mga inaanak lalong lalo na tuwing pasko o kanilang kaarawan.

Nakasanayan din natin na tayo mismo ang nagbibigay kahit hindi sila humihinge, may mga iba rin na pumupunta sa bahay ng kanilang mga ninong at ninang tuwing pasko para mag amen, kahulugan lang na namamasko sila.

Pero iba ang naging istorya ng isang netizen na nag ngangalang Rhomalyn Dimaapi Magat. Ibinahagi niya sa social media account niya ang naging paguusap nila ng kanyang matalik na kaibigan o kumare na nanghihingi nang pamasko para sa kanyang anak na inaanak pala ni Rhomalyn.



Makikita sa kanilang pag-uusap na tapos na ang pasko at nasa buwan na ng febrero nang biglang nag chat ang kanyang kumare at nanghihingi ng pamasko. Nasabi din ng kanyang kumare na halos apat na taon na siyang hindi nakakapag bigay sa kanyang inaanak ng pamasko.

Narito at basahin nyo ang buong conversation nila na ibinahagi ni Rhomalyn.

Sa una palang ng kanilang paguusap makikita na agad na direkta sa punto ang kanyang kumare, wala ng paligoy-ligoy pa na hihinge ng pamasko.

Makikita din na habang tumatagal ang kanilang konbersasyon ay tila nang aasar nalang ang kanyang kumare, at siya pa mismo ang may ganang magalit.

 

At habang tumatagal lalo nang nakikita ang totoong kulay ng kanyang kumare, minura pa mismo siya nito.





Maiinis ka nalang sa mga ganitong tao, yung tipong sila pa yung may gana magalit eh sila na nga lang yung nanghihinge, Sa totoo lang pinaghihirapan ang pera lalo na kung OFW ka hindi pinupulot ang pera sa ibang bansa, ilang pawis, lungkot, luha, ang kailangan mo muna danasin bago ka kumita para maipadala mo sa mahal sa buhay tapos siya hihinge lang bigla bigla pag di nabigyan siya pa galit. Wow naman.

Ano ang masasabi nyo sa ugali ng kumare ni Rhonalyn? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.