Connect with us

Inspiring

Isang Mommy, Ibinahagi Ang Tagumpay Sa Pagnenegosyo Kung Paano Naibalik Ang Kanyang Puhunan Sa Online Business Na P35,000 Sa Loob Lamang Ng Isang Buwan

Karamihan sa atin ay nagdadalawang isip pagdating sa pagnenegosyo ngunit kung sasamahan ng ito ng sipag at tiyaga ay tiyak na magtatagumpay. Katulad na lamang nga ng isang mommy na si Kessa Thea “KT” Nielsen kung saan ang kanyang hobby sa arts and crafts ay naging isang magandang business idea habang siya’y nasa loob ng kanilang bahay.

Photo credits to the owner

Ang 38 anyos na si KT ay dating may corporate job, ngunit matapos ang limang taong pagtatrabaho ay nagpasya siyang magresign nang isilang niya ang kanyang anak na si Viktoria Summer. Dahil nga nasa bahay na lamang, ay mas pinili niyang mag-“work from home” kung saan ay pinasok niya ang blogging, calligraphy, at graphic design. Ayon nga may KT ay ang kanyang hobby ay pumatok kung kaya’t naisipan niya itong gawing negosyo.

Photo credits to the owner

“I’ve always considered myself a creative person. But my creative business only started this year. It was just a hobby at first, but as I shared my photos online, I began to receive inquiries and orders.”

Ang mga personalized items ni KT ay talaga namang patok sa masa lalo na nga ang kanyang mga gawang items tulad ng clothes, mugs, hydrovacuum flasks, water bottles, stickers, decals, envelopes, jars, cake toppers at marami pang iba.

Kwento pa ni KT sa pagsisimula ng kanyang negosyo ay nag-invest siya ng P35,000 na pambili ng mga materyales at machine. Ang kanyang ginagamit ay isang Cricut Maker, isang computer-controlled cutting machine na disenyo para sa mga home crafters. At ito nga ay nabili niya sa halagang Php25,000. Malaki ang tulong at gamit nito dahil kaya nitong mag-cut ng iba’t ibang klaseng materials tulad ng paper, felt, vinyl, fabric, at iba pa.

Photo credits to the owner

“This is assuming you already have a computer, tablet, or mobile phone.”

“In order to create designs to cut using the machine, you would need to install the Cricut Design Space on your computer, tablet, or mobile phone. You also need a printer if you want to create stickers using the print and cut option. The machine works via Bluetooth or USB.”

Pagbabahagi naman ni KT habang ginagawa niya ang negosyo upang kumita ng extra cash, ay hindi niya inaasahan na sa loob lamang ng isang buwan ay makukuha na niya ang kanyang initial investment.

Photo credits to the owner

“I can’t say for now how much I earn in a month because this is fairly recent. However, if we base it on the trend when the business was operation, it is pretty substantial.”

Maliban naman sa kanyang negosyo, ay abala rin si KT bilang isang creative virtual assistant at social media manager. At dahil nga pawang online naman ang kanyang ginagawa, ay nakakapaglaan pa siya ng oras sa kanyang anak at kanyang negosyo.

Isa nga sa naging challenge sa kanyang business ay ang enhanced community quarantine kung saan nga ay apektado ang delivery ng mga items niya. Ngunit may magandang dulot rin ito kung saan nga ay nakakabonding niya ang kanyang anak.

Photo credits to the owner

“My business is practically halted. I have several boxes of products ready to be personalized as soon as the time is right. Delivery is a challenge since my products are considered not essential.”

Ibinahagi rin ni KT ang kanyang mga pinagdaanan sa kanyang negosyo bago niya tuluyang nakamit ang tagumpay. Pag-amin nga niya ang pagsisimula ang pinakamahirap na parte sa lahat. Kaya naman, kailangang maging handa sa mga pagsubok na maaaring dumating. At mahalaga rin na mahal mo ang iyong ginagawa araw-araw.

Photo credits to the owner

“The hardest part is starting, so condition yourself to be ready with the challenges that will come along. Your resilience will be tested for sure.When you like what you do, you don’t have to force yourself up to get every morning. It becomes easy.”

error: Content is protected !!