Connect with us

Inspiring

Isang Fishball Vendor, Hinangaan Ng Publiko Matapos Makapagpatayo Ng 2-story House Mula Sa Kanyang Kita

Ang pagpapatayo ng dream house, ay hindi basta-basta dahil sa laki ng gastusin. At buong akala nga ng karamihan ay tanging mayayaman lamang ang may kakayahang magpatayo ng magarang bahay. Ngunit, kapag nga ang isang tao’y nagsumikap anuman nga ang trabaho o pinagkakaabalahan sa buhay, ay tiyak na makakamit ang pangarap na magpatayo ng dream house.

Photo Credits: Michael Gripal Relucio| FB

Isang fishball vendor nga ang nagpatunay na hindi basehan ang pagkakaroon ng white-collar jobs, para maisakatuparan ang kanyang dream house. Ang kwento ni Michael Gripal Relucio na puno ng inspirasyon ay umani ng papuri at paghanga mula sa mga netizens matapos niyang ibahagi sa Facebook ang larawan ng kanyang bahay na bunga ng kanyang pagsisikap.

Photo Credits: Michael Gripal Relucio| FB

Sa kanyang post, ay ipinaliwanag ni Michael na kahit isa siyang fishball vendor, ay nagawa niyang magpatayo ng bahay para sa kanyang pamilya, gamit ang perang kanyang kinikita sa pagtitinda ng ng fishball. Sa ngayon ay hindi pa tapos ang bahay ni Michael ngunit masisilayan na ang kabuuang structure nito na malapit nang matapos. Ilang detalye na lang nga ang kailangang ayusin ay makikita na tapos na ito, at hindi naman maikakaila na may maganda itong disenyo.

Photo Credits: Michael Gripal Relucio| FB

Ang bahay na bunga ng sipag at tiyaga ni Michael, ay isang 2-storey house na may modernong disenyo. Ito ay gawa sa concrete, na may pinaganda ng pinaghalong steel at glass. Masisilayan na bagama’t pulido na ang mga pader nito, ay wala pa itong pintura. Kahit nga wala pang pintura ang kabuuan ng bahay ay tiyak na kapag natapos na ito nang tuluyan ay talagang hahangaan ang maganda nitong disenyo.

Photo Credits: Michael Gripal Relucio| FB

Sa mga larawang ibinahagi ni Michael sa kanyang post, ay ipinakita rin niya ang loob ng kanyang bahay. Makikita nga na ang ilang bahagi ng bahay ay may tiles na at maganda naman itong tingnan. Contemporary design naman ang napiling ibagay ni Michael sa pailaw ng kanyang tahanan. Ang 2-storey house rin na ito ay may balcony sa ikalawang palapag kung saan maliit lamang ang lugar ngunit kasya naman na rito ang upuan para maging

Photo Credits: Michael Gripal Relucio| FB

Bagama’t, limitado lamang ang espasyo sa loob ng bahay ay sapat naman na ito para paglagyan ng kanilang mga kagamitan. Makikita naman ang isang divider na nakapagitan sa living room at dining area na tila inilaan para maging bar. Napakaganda nga ng disenyo nito, at talagang swak sa laki ng bahay.

Photo Credits: Michael Gripal Relucio| FB

Pinatunayan nga ni Michael na ang kanyang sipag at tiyaga sa pagtitinda ng fishball, ay maaari ring makapagtayo ng isang napakagandang bahay para sa kanyang pamilya. Kapag nagsumikap nga sa buhay, ay hindi imposibleng maabot ang minimithing pangarap sa buhay.

error: Content is protected !!