Connect with us

Inspiring

Dating Estudyante na Nakatira Sa Barung-Barong, Isa na Ngayong Head Engineer, Nagbigay Inspirasyon Sa Publiko

Gaano man nga kahirap ang buhay, at daan patungo sa tagumpay ay hindi ito magiging hadlang sa pag-abot ng mga pangarap. Ito ang pinatunayan ng estudyanteng nakatira sa barung-barong at ngayon nga ay isa nang ganap na Head Engineer.

Hindi inaasahan ni Crystalle Mae Malonzo Manalo, isa nang ganap na head engineer ngayon na marami siyang maiinspire. Sa kanyang Facebook post nito lamang ika-5 ng Nobyembre ay hindi maitago ni Crystalle ang kanyang tuwa dahil marami ang nainspire sa kanyang kwento. Ang kanyang post kasi na tungkol sa kanyang pinagdaanan para lang makapagtapos ng pag-aaral ay nag-viral.

Si Crystalle ay nakapagtapos sa Colegio De San Juan De Letran-Calamba sa kursong Bachelor of Science in Mechanical Engineering. May kahanga-hanga namang katalinuhan si Crystalle kung saan nga ay nagtapos siya ng may karangalan sa kanilang batch bilang Academic Excellence Awardee. Agad naman siyang nakapasa noong 2020 sa Mechanical Engineering Licensure Exam. At ngayon nga ay nagtatrabaho bilang isang Shift Head Engineer sa Manila Water.

Sa tagumpay nga nakamit ni Crystalle na makapasa sa licensure exam at maging ganap na engineer, ay pinagawan siya ng tarpaulin na kung saan nga ay isinabit sa labas na kanilang barung-barong. At ayon nga kay Crystalle, sa likod ng kanyang tarpaulin ay nakatago ang napakagandang kwento ng kanyang tagumpay.

Photo credits: Crystalle Mae Malonzo Manalo | Facebook

Kwento nga ni Crystalle, noong una raw ay nag-aalinlangan ang kanyang Lola Gloria na siyang nagpalaki sa kanya na ipaskil sa labas ng kanilang tagpi-tagping bahay ang kanyang tarpaulin.

“Noong una, medyo nag-iisip pa siya sa paglalagay niya ng tarpulin sa munti naming bahay.”

“Dahil ‘ika nga niya ay baka makita ng mga tao na engineer nga ako pero sa ganoon lamang nakatira.”

At dahil nga, proud na proud talaga ang kanyang lola sa kanyang nakamit na tagumpay, ay makikita nga ang tarpaulin na patunay ng kanyang tagumpay sa labas ng kanilang tagpi-tagping bahay.

Samantala, sa kabila ng tagumpay na nararasanas ni Crystalle ngayon, ay hindi magandang karanasan noong kabataan niya. Bata pa lamang kasi siya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang. Kaya naman, natuto na siyang maging independent at lumaki sa poder ng kanyang Lola Gloria na isang tindera at caretaker.

“Naglilinis kami ng resort sa Pansol, Laguna. Iyon ang bumuhay sa amin.”

Photo credits: Crystalle Mae Malonzo Manalo | Facebook

Dahil nga mulat sa hirap ng buhay, ay natuto ring dumiskarte sa buhay si Crystalle kung saan nga ay nagtinda ng kung ano-ano sa kanilang paaralan, at hindi niya ito ikinakahiya. Pagdating naman ng kolehiyo ay pinagsumikapan niyang makapag-aral sa private school, kung saan nga ay kabilang siya sa dean’s list para may discount sa tuition fee. Sa kabila naman ng hirap na naranasan ni Crystalle ay laking pasasalamat naman niya dahil nakapagtapos siya ng pag-aaral at agad ring nakapasa sa licensure exam.

“Sa awa ng Diyos, ako po ay nakapagtapos na Academic Excellence Awardee hanggang sa nakapasa rin po ako ng board.”

Hindi naman maitago ni Lola Gloria ang kanyang kasiyahan dahil nga nakapasa sa board exam ang kanyang apo. At matapos nga ang hirap ng kanilang pinagdaanan makapag-aral lamang si Crystalle, ngayon nga ay tinatamasa nila ang magandang bunga.

“Ganito pala ang nararamdaman mo na malaman mo na ang iyong apo ay isa sa mga pumasa sa board exam.”

“Naiisip ko yung mga nangyari sa buhay naming dalawa na tuwing bayaran sa school, wala kaming pambayad. Puro pakiusap.”

Photo credits: Crystalle Mae Malonzo Manalo | Facebook

“Ito na ngayon, puro dasal na lang ang ginawa namin para makamit na niya ang maging engineer. Salamat, Lord, hindi mo pinabayaan ang apo ko.”

Ang nakasabit namang tarpaulin sa labas ng kanilang barung-barong ay mananatiling simbolo ng tagumpay ni Crystalle. At ito ang pinakamagandang tagpi na nailagay sa kanilang bahay.

“Kagaya ng paulit-ulit kong sinasabi sa kanya [Lola Gloria], ‘’Nay, iyan ang pinakamagandang tagpi na nailagay natin.”

error: Content is protected !!